Star Magic clarifies Kathryn Bernardo and Daniel Padilla walkout issue in Italy

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla with the staff and producer of their show in Milan, Italy.


Naging viral ang Instagram post ng isang KathNiel fan tungkol sa pagkadismaya diumano nito sa show nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Milan, Italy, noong January 4.

Sa Instagram post ni "@kathniel26_acc," lumabas ang reklamo nito tungkol sa diumano’y pagwu-walkout nina Kathryn at Daniel matapos lamang ang 30 minuto.

Kabilang din sa inireklamo ng nasabing KathNiel fan ay ang matagal na paghihintay niya sa dalawang Kapamilya stars dahil late diumano dumating ang mga ito sa kanilang show.

Dagdag pa niya, naka-lip-sync din daw ang performance ng dalawang teen stars.

Hindi rin daw niya nakuha ang sinasabing souvenir na nakasaad sa ticket.

Inireklamo rin ng nasabing fan ang pagpapa-picture kina Kathryn at Daniel dahil imbes na paisa-isa ang pa-picture ay naging group photo ito.

Sinabi pa ni "@kathniel26_acc" na hindi raw pinansin nina Kathryn at Daniel ang cake na dala ng KaDreamers Italy para sa ina ng young actress na si Min Bernardo para sa birthday nito.

(Courtesy of getitfromboy.net)

Nilinaw naman ng KaDreamers Italy sa kanilang Twitter account ang naging pangyayari sa show nina Kathryn at Daniel.

Giit nila, hindi nag-walkout ang dalawa.

Ang producers daw ng show ang nagpatigil ng meet-and-greet session ng dalawa.

Sabi sa tweet, “First of all HINDI PO NAG WALK OUT ANG KATHNIEL, management & producers po ang nagdecide na itigil ang naturang meet & greet dahil sa hindi pakikipagcooperate ng nanunuod at dahil na rin sa mga nakikipila kahit hindi naman VVIP, dahil din sa mga pabalik balik o paulit ulit sa pila.

“HINDI PO KAGUSTUHAN NG KATHNIEL/Tita Min or Kuya Dho.

“AMINADO PO ANG PRODUCERS &STAFFS NA SILA AY MAY PAGKUKULANG…”

Masaya rin daw ang kanilang grupo dahil muli nilang nakita sina Kathryn at Daniel.

Nagpasalamat din daw ang ina ni Kathryn sa kanila kahit hindi nito nakuha ang cake na kanilang regalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya kaming nakita namin ulit ang kathniel at hindi totoong nagtampo kami dahil d nakuha ang cake sa katunayan after the concert we celebrated its success and also Tita Min’s birthday in a pizza hauz dahil un ang kgustuhan ng lahat also sending tita a video greeting via viber at naipakita din namin yung video ng personal the next day.”

STAR MAGIC’S STATEMENT. Kaugnay ng isyung ito, binasa ni Kris Aquino sa Aquino and Abunda Tonight kagabi, January 7, ang opisyal na pahayag ng Star Magic:

"All Star Magic artists go to great lengths to please and satisfy the various audiences and fans.

“The meet and greets are a concession to the local producers who use them as a marketing device.

“They are run by the producers and often the artists have little or no control over how they are run.

"Nevertheless we regret that there is at least one disgruntled fan and will try and make sure that incidents like this are not repeated.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN