Mary Jean Lastimosa feels the pressure of continuing PHL’s winning streak in Miss Universe

Mary Jean Lastimosa on her quest to win the Miss Universe crown: “I am feeling the pressure of many people expecting me to finally get the Miss Universe crown. But like what I said, I will do my very best. Please help me through prayers.”


Nasa Miami, Florida na ngayon si Mary Jean “MJ” Lastimosa upang i-represent ang Pilipinas sa Miss Universe 2014.

Gaganapin ang 63rd Miss Universe sa January 25, 2015, sa US Century Bank Arena, Florida International University, sa Doral, Miami, Florida.

Isa si MJ sa mga kandidata mula sa iba’t ibang parte ng mundo ang dumating doon pagkatapos ng Christmas at New Year holidays, para sa pre-pageant activities at promotion sa ilang TV shows.

Malaking pressure para kay MJ ang pagsabak niya sa Miss Universe dahil since 2010 ay consistent na runner-up ang Philippines sa naturang pageant: Venus Raj (4th runner-up, 2010), Shamcey Supsup (3rd runner-up, 2011), Janine Tugonon (1st runner-up, 2012), at Ariella Arida (3rd runner-up, 2013).

Pahayag ni MJ sa panayam sa kanya ng 24 Oras bago siya umalis, “I will try my very best.

“I had enough training to prepare me for the Miss Universe.

“I am feeling the pressure of many people expecting me to finally get the Miss Universe crown.

“But like what I said, I will do my very best. Please help me through prayers.”

NOT TRUE. Pinabulaanan naman ni MJ ang balitang umurong na raw siya bilang representative ng ating bansa.

Diin niya, “That is not true. I am still Miss Philippines.

“It’s good that people are talking about me.

“Even if it’s just a rumor, I appreciate their comments, be it negative or positive.”

Hinding-hindi raw bibitiwan ni MJ ang pagiging Miss Philippines-Universe dahil tatlong beses siyang sumali sa Binibining Pilipinas bago niya nasungkit ang korona.

Kuwento pa niya, bata pa lang siya ay pangarap na niyang makasali sa Miss Universe.

“It’s every little girl’s dream.

“I’ve been fighting for this dream for the longest time and it is more significant now that I have the responsibility to bring happiness to my family.”

BITTERSWEET. Kung naging masaya ang 2014 para kay MJ dahil sa pagkapanalo niya bilang Miss Philippines-Universe, nabahiran din ito ng lungkot dahil tatlong family members niya ang magkakasunod na sumakabilang-buhay—ang kanyang lolo, lola, at uncle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya hindi lang daw basta beauty title ang napanalunan niya, kundi ang kaligayahan na magpupuno sa kanyang pamilya dahil sa pagpanaw ng mga mahal nila sa buhay.

Sabi ni MJ, “We’ve lost a lot of members of our family last year.

“So I felt that if I will succeed in this competition, I will solve the emptiness of their feeling and I can provide more for my family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN