Andi Eigenmann refutes claim that Jake Ejercito physically abused her

Kumakalat ngayon sa Internet ang isang Instagram post na diumano’y pisikal na inaabuso noon ni Jake Ejercito ang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann. Ngunit mariin itong pinabulaanan ng Kapamilya young actress.


“It’s not true that he abused me…”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Andi Eigenmann tungkol sa kumakalat na usapin sa Internet tungkol sa diumano’y pisikal na pang-aabuso sa kanya ni Jake Ejercito noong magkarelasyon pa sila.

Ito ay lumabas nang may isang Instagram user, na may handle name na "@la_bellaaah", ang nag-post ng isang screenshot ng Facebook messaging chat nila ng isang nagngangalang "Andrea Eigenmann."

Laman ng naturang Instagram post, na lumabas sa isang gossip blog, ang diumano’y pagkakaospital nito dahil sa pang-aabuso.

Bahagi ng naturang post: “If the 3 months was more than his all, I wonder what I did for 3 yrs of running after him and forcing him to stay if giving it his all was getting me in the hospital for 4 days because of physical abuse…”

Sa comment section, makikita dito na sumagot si Andi.

Aniya, “I never spoke to you @la-bellaaah. Please don’t do that.”


“NOT TRUE.” Sa panayam kay Andi ng Aquino and Abunda Tonight noong Martes, January 6, mariing pinabulaanan ng 24-year-old Kapamilya actress ang isyu.

Aniya, “Well, I just wanna say that… I would just wanna clarify that it's not true that he abused me... because that’s what in the message.”

Diin pa niya, “Hindi po totoo.”

Samantala, sinabi ni Jake sa panayam nito sa TV Patrol na sana ay muli silang magkaayos ni Andi.

Read: Has Jake Ejercito-KC del Rosario romance gone sour?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN