Bret Jackson to bashers: “Before you judge anyone, take a look at yourself.”

Maganda raw ang hangarin ni Bret Jackson kay Andi Eigenmann. Hindi rin daw niya minamadali ang aktres na sagutin siya sa kanyang panliligaw rito.


Binuweltahan ni Bret Jackson ang bashers at duda sa kanyang intensiyon sa nililigawang si Andi Eigenmann.

Kaugnay pa rin ito sa pagiging trending topic niya sa Internet dahil sa pahayag ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose, na hindi niya type ang 23-year-old PBB alumnus para sa kanyang anak.

Sa ulat ng TV Patrol kagabi, January 8, sinabi ni Bret na sana ay hindi muna siya husgahan sa kanyang panunuyo kay Andi.

Aniya, “Before you judge anyone, take a look at yourself, ganun lang.”

Sa isang panayam kay Jaclyn sa The Buzz, hayag nitong sinabing hindi niya type si Bret.

Mas gusto raw niya si Jake Ejercito para kay Andi.


“I’M HERE FOR HER.” Pero sabi ni Andi, sa hiwalay na ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, wala naman dapat ipag-aalala ang kanyang ina dahil hindi pa naman sila seryoso ni Bret.

“He's so kind, like, he respects the fact that I am a mother [when he] entered my life. And I want him to stay,” sabi ng single mother.

Pahayag naman ni Bret, “I actually care about Andi.

"We go out together, that’s the term for dating.

"I want her to really focus; I don’t want her to think about another relationship. I just want her to know that I’m here for her.

“And that I want her to become the person I know she can be.”

Noong Lunes, January 5, lumabas din sa ulat na nais nang makipag-ayos ni Jake sa ex-girlfriend.

Read: Has Jake Ejercito-KC del Rosario romance gone sour?

Hindi rin daw isyu ito para kay Bret.

Saad niya, “Andi is an amazing woman.

"There’s nothing wrong, that’s how he feels, e.

"I don’t feel any bad… towards Jake.

"It doesn’t mean may intensiyon siya bumalik... na he’s coming back.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Andi, imposible na ang pakikipagbalikan niya sa dating nobyo.

Sabi ng 24-year-old Kapamilya actress, “Kaya ko pong magpatawad, ang laki po ng parte niya sa buhay ko.

"Pero yung magkakabalikan kami… masakit po talaga yung naranasan ko sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN