Manny Pacquiao confirmed as judge in Miss Universe

The Miss Universe Organization announced today, January 9, the first batch of judges for the 63rd Miss Universe Pageant: (clockwise) boxing champ Manny Pacquiao, TV and film director William Levy, Hollywood TV star Lisa Vanderpump, TV host and shoe designer Kristine Cavallari, and fashion journalist/author Louise Roe.


Kumpirmado nang magiging isa sa mga hurado ng 63rd Miss Universe beauty pageant ang Filipino boxing champ na si Manny Pacquiao.

Sa official Facebook account ng Miss Universe Organization, inanunsiyo na ang unang batch ng Miss Universe judges, na kinabibilangan ni Pacman.

Kahapon, January 8, lumabas ang ulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan kinumpirma ni Manny na nakatanggap siya ng imbitasyon na maging hurado sa prestihiyosong international beauty pageant, ngunit sinabi ng Filipino boxer-politician na hindi pa niya ito pormal na tinatanggap.

Read: Manny Pacquiao gets invitation to judge Miss Universe 2014

Pero sa announcement ng Miss Universe Organization via Facebook ngayong araw, January 9, opisyal nang kabilang si Manny sa Miss Universe judges.

Bukod kay Manny, kabilang din sa mga magiging hurado ang television host at shoe designer na si Kristin Cavallari, ang TV at film director na si William Levy, ang TV hit show star na si Lisa Vanderpump, at fashion journalist at author na si Louise Roe.

Si Mary Jean Lastimosa ang kinatawan ng Pilipinas sa 63rd Miss Universe.

Kasalukuyan nang nasa Miami, Florida, si MJ at makikipagtunggali siya sa 87 ibang candidates mula iba't ibang panig ng mundo.

Gaganapin ang grand coronation night ng Miss Universe sa January 25 (January 26 ng umaga sa Pilipinas) sa Florida International University sa Doral, Miami, Florida.

Samantala, inanunsiyo rin sa Miss Universe Facebook page ang performers sa pageant night.

Kinabibilangan ito ni Nick Jonas na magpe-perform sa evening gown competition, habang si Prince Royce naman ang performer sa swimsuit presentation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN