Manny Pacquiao invited by Prince Harry for dinner

Kinumpirma ni boxing champ Manny Pacquiao na inimbita siya mismo ni Prince Harry ng Great Britain para sa isang dinner sa January 22.


Makikipagkita ang Filipino boxing champ na si Manny Pacquiao kay Prince Harry of Wales para sa isang dinner sa January 22 sa London, United Kingdom.

Si Prince Harry ang nakababatang kapatid ni Prince William, at mga anak sila ni Prince Charles at ng yumaong si Princess Diana.

"Naka-schedule ako pumunta sa London, 22, [to] have dinner with him," ani Pacquiao sa ulat ng 24 Oras nitong Huwebes, January 8.

Hindi raw alam ni Manny kung ano ang pag-uusapan nila, at posible raw na makasama nila si Queen Elizabeth sa nasabing dinner.

Sa ulat naman ni Dyan Castillejo ng ABS-CBN News, sinabi ni Pacquiao na si Prince Harry mismo ang nag-imbita sa kanya.

Idinagdag pa ni Manny na ipapasyal siya sa Buckingham Palace kung saan nakatira ang royal family ng United Kingdom.

Sinabi pa ng People's Champ na inaasahan din niyang makasama sa meeting si Prince Charles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN