Onemig Bondoc files for sole custody of his children

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nais daw ng dating aktor na si Onemig Bondoc na mapasakanya ang kustodiya ng dalawa niyang anak sa nakahiwalayang asawa na si Valerie Bariou.


Naghain ng petisyon para sa sole custody ng kanyang dalawang anak si Onemig Bondoc kaninang hapon, January 9, sa Quezon City Regional Trial Court.

Ayon sa impormasyong nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), bandang alas-tres ng hapon nagpunta ang dating aktor sa QC RTC upang ihain ang kanyang petisyon na mapasakanya ang kustodiya ng kanilang dalawang anak ng nakahiwalayang asawa na si Valerie Bariou.

Ikinasal si Onemig sa model-actress na si Valerie noong 2009, ngunit nagkahiwalay sila noong 2014.

Si Onemig ay nakilala sa sikat na teen show noon sa GMA Network na T.G.I.S. (Thank God It’s Sabado).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN