Paulo Avelino admits saying “I love you” to KC Concepcion in person

“Para sa akin, siguro sa mga lalaki, parang wala ka nang hahanapin kay KC kasi beauty and brains, ’tapos maganda ang personality," says Paulo Avelino about rumored girlfriend KC Concepcion.


Inamin ni Paulo Avelino na sinasabihan niya ng “I love you” sa personal si KC Concepcion.

Bagamat hindi pa nila direktang inaamin kung anumang relasyong namamagitan sa kanila, hindi itinanggi ni Paulo na nag-a-"I love you" na siya kay KC.

Inamin ito ng aktor sa episode ng Gandang Gabi Vice kagabi, January 11, kung saan sila ni KC ang guests ni Vice Ganda.

Kasunod ito ng pagsabi ni Paulo ng: “Mahal ko naman talaga si Kristina.”

Ang tunay na pangalan ni KC ay Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion.

Sa parte naman ni KC, hindi raw niya diretsahang nasasabi kay Paulo ang mga katagang “I love you.”

Katuwiran ng dalagang anak ni Sharon Cuneta, “Hindi ako ma-I love you, e. Nag-ano na ako, wavu. So, naiinis siya kasi hindi siya I love you.”

Sa kabila nito, hindi pa rin masabi ng dalawa kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Diin ni Paulo, “Katulad nga ng sabi namin, we have something special and tine-treasure namin 'yon.

"Kumbaga, wala namang exact date, pero nandoon lagi."

Tinanong ni Vice kung may official date ang kanilang espesyal na relasyon.

Sa halip na diretsong sumagot, ikinuwento ni KC ang pangyayari sa relasyon nila ni Paulo.

Aniya, “Yung totoo kasi diyan, walang date.

"May dating, pero yung date na date talaga, wala.

“Ano kami, e... may time na siguro parang, 'Ano ba talaga 'to?'

“Alam mo 'yon, na umalis pa ako ng four months, nagpunta pa ako [ng Amerika] noong January hanggang April.

“Parang pag-uwi ko, hindi namin sure kung itutuloy ba namin nang super-todo or kung nag-e-enjoy lang kami sa company ng isa't isa.

“May time na hindi kami nag-usap, dinelete niya ako sa Instagram, in-unfollow ko rin siya sa Instagram, nag-unfollow-han kami sa Instagram.

“Pagkatapos noon, may time na nag-uusap na kami ulit, na parang he was always there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong nagkasakit ang lola ko, nandoon siya. Nandoon siya sa mga important moments.”

Pinatotohanan din ni Paulo ang pahayag ni KC.

Sinubukan din linawin ni Vice kina KC at Paulo kung ginagawa na nila ang mga ginagawa ng magkasintahan kahit hindi sila opisyal na magkasintahan.

Sagot ni KC, “Para kaming walang pressure sa isa't isa, or at least nagta-try kaming hindi i-pressure ang isa't isa.

"Walang anniversary pero parang ano..."


PAULO ON SETTLING DOWN WITH KC. Sa naturang segment ng GGV, tinanong ni Vice si Paulo kung bakit si KC ang napili niyang pagtuunan ng pansin.

Sagot ng Kapamilya actor, “Si KC naman, if you look at her, parang she's very formal.

“Pero kapag nakausap mo siya, kahit kanino, kahit sa mga staff niya, she talks to them as a normal person, kahit sa akin.

“So, ayun, parang we started out as friends naman talaga.

“Ayun, nag-usap lang kami nang nag-usap 'tapos nagkaroon ng connection.

“Matagal na kaming magkaibigan, e. Siguro mas nakilala namin ang isa't isa last year.”

Tinanong ni Vice si Paulo kung si KC na ba ang nakikita niyang pakakasalan niya.

Singit ni KC, “Kaya 'yan kinakabahan dahil sa mga tanong na ganyan.”

Sagot si Paulo, “Para sa akin, siguro sa mga lalaki, parang wala ka nang hahanapin kay KC kasi beauty and brains, 'tapos maganda ang personality.

“Siyempre, kapag may pakakasalan ka in the future, gusto mo yung ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN