Jomari Yllana ’not the right person’ to bridge the gap between Aiko Melendez and Ara Mina

Jomari Yllana is happy for ex-wife Aiko Melendez for her newfound faith and for ex-girlfriend Ara Mina for having a baby. Will he intercede to end the enmity between the two women? “Parang hindi ako yata yung tamang tao na dapat mamagitan sa kanila bilang ex nila pareho," he demurs.


Masaya raw si Jomari Yllana para sa ex-girlfriend niyang si Ara Mina, na nagsilang na ng first baby nila ng kasintahan nito ngayong si Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Saad ni Jomari sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Happy ako sa kanya kasi mukha namang nahanap na niya talaga yung partner niya, e.

“'‘Tsaka parang maganda 'yan sa edad niya na dumating na.

"Mahirap kasi yung medyo... kapag lumipas or tumagal pa, mahirap ding magbuntis habang bata siya.

"Happy talaga ako sa kanya."

Bukod sa pagkakaugnay kay Jomari, pareho ring naugnay sina Ara Mina at Aiko Melendez kay Mayor Meneses.

Since okey naman si Jomari pareho kina Aiko at Ara, posible bang maging tulay siya ng dalawa para magkabati na ang mga ito?

Natatawang sagot ng aktor, “Parang hindi yata ako yung nararapat!

“Parang hindi ako yata yung tamang tao na dapat mamagitan sa kanila bilang ex nila pareho.

“But seriously, meron akong naririnig na parang may nagbi-bridge sa kanila, e.

“Yeah, si Cristine [Reyes, Ara's sister] na buntis din. Tatlo silang magkakapatid na buntis that time...

“Si Heidi rin yata, yung panganay. Tatlo silang buntis.

“Kaming tatlong magkakapatid, ganoon din.

"Noong time ni Andrei, buntis si Jackie [Manzano], wife ni Anjo [Yllana].

"'Tapos yung asawa ng isa pa naming kapatid na si Rob, buntis din.

"Ang asawa namin yung mga buntis," masayang pagbabalik- tanaw ni Jomari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN