Alwyn Uytingco admits wife Jennica Garcia’s pregnancy was unplanned

Alwyn Uytingco admits that he and wife Jennica Garcia are not yet ready to be parents. But he adds, "Pero sabi nga namin, if it is God’s will, ‘di ba? Plano talaga ni Lord ‘yan, so kailangan i-embrace mo."


Masayang ibinahagi ni Alwyn Uytingco na naging mas maluwag at masaya ang kanilang pagsasama ng misis niyang si Jennica Garcia pagkatapos nilang amining kasal na sila.

Matatandaang sa presscon noon ng kanilang pinagbibidahang Wattpad series na Dyepni, inamin nina Alwyn at Jennica na ikinasal sila noong February 12, 2014, lingid sa kaalaman ng nakararami.

Read: Alwyn Uytingco, Jennica Garcia admit their 'secret wedding'

Pahayag ni Alwyn, “Actually, parang mas nakahinga lahat kami, kasi wala na kaming kailangang intindihin na may press na magtatanong.

“'Yan yung lagi naming concern, e.

"Ayaw din naming mag-lie as much as possible.

"But, yun nga, napag-usapan na namin na after ng Wattpad, 'Wala na tayong problema.'

“So ngayon, mas okay kami and, in fact, magkakasama kami nung Christmas. Nung Noche Buena, magkakasama kami.

“Sobrang saya kasi si Mama [Jean Garcia, Jennica's mom]... hindi na Madam, e.

"Si Mama Jean, sobrang supportive siya.

"Binigyan niya ng iPad si Jennica for her birthday, para habang bed rest siya, malibang siya."

Kasalukuyang buntis si Jennica sa una nilang baby ni Alwyn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alwyn sa presscon ng kinabibilangan niyang pelikula, ang #EwanKoSau Saranghaeyo (I Lab Yu), noong Linggo, January 11.

JENNICA’S PREGNANCY. Nabanggit ni Alwyn na sa unang dalawang buwan ng pagbubuntis ni Jennica ay pinayuhan ito ng doktor na mag-bed rest muna.

Ito ang dahilan kaya hindi natuloy si Jennica sa upcoming project sana nito sa ABS-CBN, ang Oh My G!.

Kahit na naka-bed rest ay nagagawa pa rin naman daw ni Jennica na libangin ang kanyang sarili.

Kuwento ni Alwyn, “Ngayon, nag-start na siya mag-practice ng crocheting niya.

"Kasi originally, plano niya, mag-crochet para sa baby namin.

"And then, sabi ko, 'Post mo kaya sa Instagram, baka may magkagusto, at least extra income natin 'yan.'

"Ayun, thankfully, nung pinost namin sa Instagram, ang dami agad nag-like.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May orders na siya sa labas ng Luzon, so meron na kaming mga clients.

"Pero sabi ko sa kanya, huwag masyado, kasi bawal pa rin siyang mapagod."


FIRST-TIME PARENTS. Inamin ni Alwyn na hindi pa talaga nila plano ni Jennica magka-baby.

Sa kanilang panayam sa PEPtalk noong November, sinabi ng mag-asawa na gusto nilang maghintay muna ng apat na taon bago sila bumuo ng pamilya.

Kaya maging sila ay nagulat na magbubunga na ang kanilang pagsasama.

Lahad ni Alwyn, “Totoo naman talaga, e, hindi kami prepared.

"Pero sabi nga namin, if it is God’s will, ‘di ba?

"Plano talaga ni Lord ‘yan so kailangan i-embrace mo."

Nabanggit din ni Alwyn ang pagiging emosyunal ni Jennica nang malaman nitong buntis siya.

“Si Jen, at first, emotional siya.

“Feeling ko dahil sa excitement, ganyan, 'tapos gulat talaga... gulat talaga kami.

“'Tapos ako naman, parang, ‘Okay, sige, tara! Sure… why not?’

“Kasi original plan talaga namin is four years from now, e... gusto niya, 30 years old siya [magka-baby].

"Pero iniisip ko, kung yun ang masusunod, baka by that time, mahirapan naman kami magka-baby.

“Ako naman kasi, ang way of thinking ko, futuristic, e.

"Kung darating na si baby ngayon, at least pagka-teenager na siya, kaya ko pa siya sabayan sa mga activities niya, ‘di ba?

“So, may bonding pa din.

"So, para sa akin, it’s a good thing.

“Yun lang siguro, habol na lang kami sa pagpe-prepare sa finances.

"Pero with God’s help and guidance, I think there’s nothing impossible."

DOBLE KAYOD. Inamin ni Alwyn na handa sila emotionally at physically, pero financially ay hindi pa nila kaya.

Kaya talagang dinodoble raw ng aktor ang pagtatrabaho para sa kanilang magiging baby.

Sa bagong movie project nga ni Alwyn na #EwanKoSau Saranghaeyo (I Lab Yu) ay hindi lang siya gumanap na artista kundi nagsilbi rin siyang assistant director trainee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Yun po talaga yung plano ko, after how many years na nag-aartista ako, parang doon na nag-evolve yung passion ko for film.

"So, sabi ko, kailangan ko na i-start i-pursue yung dream ko.

"I am not doing this for myself or para sa dream ko, I am also doing this for my family."

Sa kasalukuyan ay tatlong buwan na ang ipinagbubuntis ni Jennica, at sa July ay inaasahan nang lalabas ang kanilang baby.

Hindi pa tiyak ang gender ng baby, pero gusto sana nina Alwyn at Jennica na baby boy ang kanilang maging panganay.

“Nung una, gusto namin boy, 'tapos nung may mga nae-encounter kami na mga friends namin, palagi naming kasama yung mga inaanak namin, ganyan, 'tapos sabi ni Jennica, ‘Ang kulit ng lalaki, parang gusto ko na lang babae.’

“Sabi ko, ako actually, kahit babae o lalaki, okay lang sa akin,” saad ni Alwyn.

Ano na ba ang preparations na ginagawa nila sa pagdating ng kanilang baby?

Sabi ng future dad, “Consultations sa mga friends na may anak na, like Chariz Solomon, sila Stef Prescott.

“Nakakatawa pa nga, ito yung kuwento, magkasama kami sa isang birthday party ng anak ni Chariz, si Apollo.

"Magkakasama kami, sila LJ [Reyes], Stef Prescott... lahat sila nasa round table.

"Sabi sa amin, 'Huwag muna kayo magbe-baby.' That’s a Sunday.

“The next day, which is Monday, dun namin nalaman na buntis siya [Jennica]!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN