#PopeFrancisPH: Salubong painter defends his artwork depicting Pope Francis with celebrities

Humingi ng dispensa ang pintor na si Dante Hipolito kung may na-offend man siya sa kanyang obra na Salubong, kung saan ipininta niya si Pope Francis kasama ang ilang mga artista at pulitiko. Pero nanindigan itong wala siyang masamang intensiyon sa ginawa niyang obra.


Lumikha ng ingay ang painting na Salubong ng pintor na si Dante Hipolito tungkol sa pagbisita ng Santo Papa sa Pilipinas.

Makikita kasi sa naturang artwork si Pope Francis kasama ang ilang sikat na artista at pulitiko kung saan inilarawang mga “magsasaka” ang mga ito.

Kabilang sa local celebrities na nasa painting ay sina Governor Vilma Santos, Gary Valenciano, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Coco Martin, Senator Grace Poe, at Kris Aquino.

Ayon sa ibang Netizens, isang Born Again Christian si Gary at si Kris naman ay isang ‘haciendera.'

Insulto rin daw ito sa mga magsasaka, mahihirap, at sa mismong Santo Papa.

Sana raw, mga pangkaraniwang tao na lamang ang inilarawan sa painting kasama si Pope Francis.


"PARE-PAREHO TAYONG NILIKHA NG DIYOS." Sa ulat ni MJ Marfori ng News5 kagabi, January 12, sinabi ni Hipolito na hindi niya intensiyong mang-insulto sa ginawa niyang obra.

Saad niya, “Akin ito, e… 'Tsaka kaming pintor, para rin kaming mga story writer…

"Mundo ko ito, e. Ito, nag-e-exist ito sa utak ko lang na inilabas ko.

"Kaso, na-misinterpret ng tao."

Dalawang buwan daw ginawa ni Hipolito ang 29” x 24” oil on canvas painting bilang pagpupugay kay Pope Francis.

Regalo rin daw niya ito sa kanyang asawa, na fan daw ng mga artista.

Saad pa ni Hipolito, “Hindi rin ako well-versed sa mga tao na nilagay ko diyan, pero tingin ko, sa pananaw ko, mababait sila.

"Ke artista 'yan, mayaman o mahirap, pare-pareho tayong tao. Pare-pareho tayong nilikha ng Diyos.

“Originally, mga dukha talaga iyan…

"Hiniling lang ng misis ko. Siyempre, mahal na mahal ko ‘yan kaya susundin ko.

"'Tsaka trip lang ito… Wala akong intensiyon na masama.

"Ito ay ginawa ko lang para sa misis ko."

Hindi for sale ang Salubong painting, pero makikita ito sa Galleria de las Islas sa Intramuros mula January 25 hanggang February 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


OFFENSIVE? Balewala rin daw kay Hipolito ang mga batikos na kanyang natatanggap, ngunit ganunpaman, humihingi siya ng dispensa.

Sabi pa niya, “… hindi bale nang tirahin nila yung mga artista, huwag lang si Pope.”

Hindi naman daw na-offend ang ibang celebrities na isinama sa painting.

Katunayan, ni-repost pa ito sa official Facebook page ni Marian.

Kalakip ng larawan ng naturang painting ang description na ito: “Pope Francis and several Filipino celebrities are featured in the painting 'Salubong' by Dante Hipolito.

"Inspiration begets inspiration. This motivated visual artist Dante Hipolito to paint Gov. Vilma with Pope Francis in the 29” x 24” oil on canvas titled Salubong. A distinct style of vibrant rural realism, it follows Pope Francis’ didactic intentions.

"Dante did this by redefining art, what he terms as Composite Realism, which is the smooth interplay of filmmaking elements of production design, photography and digital art based on his experience in stage production and advertising. Thus, he creates a distinctively exuberant depictions of country life on their basic principles.

"In an ambiance of rural peace and prosperity, Dante shows Gov. Vilma as a farmer leading stars (from left) Gary Valenciano, Sen. Grace Poe, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Coco Martin and Kris Aquino who are also costumed as country people in the festive welcome."

Meron na itong lagpas 128,000 likes, 100 comments, at 3,300 shares.

Si Governor Vilma naman daw ay nagpahayag ng interes na magkaroon ng painting series kay Dante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN