Janella Salvador dismisses rivalry with Liza Soberano and Julia Barretto

Lahad ni Janella Salvador, matagal na dapat ang paggawa niya ng Oh My G! subalit natagalan ito dahil sa previous teleserye niya. “Actually, matagal na pong pinaplano ang Oh My G! pero wala pa pong time before because ang tagal pa po ng Be Careful With My Heart. Fortunately, matagal siya,” sabi niya.


“I’m overwhelmed right now, kasi ang dami kong support na nakukuha hindi pa nag-i-start yung show. Ang daming nagtu-tweet sa akin na excited sila, so lahat kami excited para sa show na ito.”

Ito ang pahayag ni Janella Salvador kaugnay ng nalalapit na pagpapalabas ng kanyang launching teleserye sa ABS-CBN, ang Oh My G!.

Ginanap ang presscon ng nasabing Kapamilya teleserye sa 9501 Restaurant ng ELJCC Building, Mother Ignacia, Quezon City, nitong Martes, January 13.

Nakilala si Janella sa teleseryeng Be Careful With My Heart (BCWMH) bilang si Nikki.

Sa Oh My G!, na may parehong timeslot ng dati niyang hit teleserye, makakatambal muli ni Janella si Marlo Mortel na leading man din niya sa BCWMH.

Ngunit paglilinaw ng 16-year-old actress, close man sila ni Marlo, walang relasyong namamagitan sa kanila.

“Wala pa po akong iniisip na love-love ngayon.

"Pero I can say that sobrang special ng friendship namin.

"We’re very close," paglalarawan niya sa turingan nila ni Marlo.

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janella kung pinapayagan na ba siyang makipagrelasyon ng kanyang ina, ang singer-actress na si Jenine Desiderio.

Tugon niya, “We haven’t really talked about it, with my mom.

"Pero personal choice, ayoko po.

"I wanna enjoy my teenage life muna."

Kinumpirma niyang may mga nanliligaw sa kanya, na aniya ay normal lamang para sa isang teenager na kagaya niya.

Pero paano niya sinasabi sa kanyang mga manliligaw na ayaw muna niyang magkaroon ng boyfriend?

“Sinasabi ko na friends talaga. Pine-friend zone!” natatawang sambit ni Janella.


NO RIVALRY. Si Janella ay inilunsad bilang bahagi ng Star Magic Circle Batch 2013, na kinabibilangan din ng iba pang young actresses na namamayagpag ang career ngayon—kagaya nina Liza Soberano at Julia Barretto.

Ini-launch si Julia sa Mirabella noong March 2013, samantalang nagsimula ang Forevermore ni Liza noong October 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nainip na mas nauna ang dalawa niyang ka-batch na ini-launch sa solo projects?

Sabi ni Janella, “Actually, matagal na pong pinaplano ang Oh My G!.

"Pero wala pa pong time before, because ang tagal pa po ng Be Careful With My Heart.

"Fortunately, matagal siya.

“Hindi naman po [nainip]. For me, if it’s your time, [it’s] your time.

"So, time ni Liza 'yon, so sana time ko na ‘to.”

Tinanong din ng PEP kung nagkakaroon pa sila ng bonding time nina Julia at Liza, lalo na ngayong pare-pareho silang busy sa kani-kanilang career.

Sagot niya, “We only see each other during shoots, pero nagba-bonding po kami.

“We’re very, very close. Wala po kaming rivalry or whatever.”

Dahil na-bring up na rin niya ang rivalry, inusisa si Janella kung may conscious effort ba silang pag-usapan na huwag magpadala sa kumpetisyon sa career.

Sabi niya, “Wala naman. We never talk about it.

"Talagang nag-click kaming tatlo and we’re super close.

“Wala talaga, we’re all kind din.”

Kasama rin sa Oh My G! sina Janice de Belen, John Arcilla, Dominic Ochoa, Manolo Pedrosa, at Sunshine Cruz.

Magsisimula itong umere sa January 19, 11:30 ng umaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN