Marlo Mortel surprised by report that Janella Salvador’s mom does not like him

Marlo Mortel on having a relationship with Janella Salvador: “Sa ngayon, si Janella, malaki pa yung future niya. Marami pa siyang kailangang gawin. And ako rin as well, bilang baguhang artista, marami pa akong kailangang i-prove. So, our relationship, that’s gonna wait.”


Ikinagulat daw ng Kapamilya young actor na si Marlo Mortel ang isyung diumano’y hindi siya gusto ni Jenine Desiderio, ang ina ng ka-loveteam niyang si Janella Salvador.

“Yes po [nagulat ako]. Kasi sobrang close kami ni Tita Jenine and sobrang parang friends talaga kami ‘pag magkakasama kami.

“Lumalabas kami kasama yung mom niya. Sobrang close kami,” paglilinaw ni Marlo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marlo sa presscon ng pinakabagong feel-good teleserye ng ABS-CBN sa umaga, ang Oh My G!, na pagbibidahan nila ni Janella.

Ginanap ang presscon Martes ng tanghali, Enero 13, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Nakakapag-bonding daw silang tatlo nina Janella at Jenine kaya nagtataka si Marlo sa pagsulpot ng naturang isyu.

“Nagba-bonding kami minsan. Nagdi-dinner kami outside, and then naglalaro pa minsan sa Timezone kasama pa yung mommy niya.”

WILLING TO WAIT. Sa TV interviews kay Marlo, inamin ng binata na crush niya talaga si Janella.

Pero alam naman daw niyang hindi pa handa sa isang relasyon ang ka-loveteam lalo na nga’t bata pa naman ito sa edad na 16, habang 21 naman si Marlo.

Saan kaya papunta ang kanilang loveteam?

Sagot ni Marlo, “Sa ngayon, siyempre priority namin ang career namin.

“But we have this very special friendship na inaalagaan namin sa ngayon and we’re very close.

“And we’re growing more close together.

“I’m just thankful to have her by my side.”

So, talagang willing siyang maghintay hanggang nasa tamang edad na si Janella?

“Opo naman,” mabilis niyang tugon.

“Sa ngayon, si Janella, malaki pa yung future niya. Marami pa siyang kailangang gawin.

“And ako rin as well, bilang baguhang artista, marami pa akong kailangang i-prove.

“So, our relationship, that’s gonna wait.”

Pero si Janella na ba ang nagmamay-ari ng kanyang puso sa ngayon?

“A… siguro... I can’t really say kasi bata pa si Janella. So, sa akin, nandito lang siya,” sabi ni Marlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang best qualities ni Janella para sa kanya?

“Best qualities niya? She’s very matured for her age, the way na mag-isip siya kung paano niya ipa-plan ito.

“She’s very careful not to do things that will ruin her career.

“And she’s really nice, tahimik lang siya, but full of promise.”

Bilang mas may edad kay Janella, paano niya inaalagaan ang ka-loveteam?

Saad ni Marlo, “Simpleng mga bagay, like minsan nag-a-advise din ako sa kanya.

"Nag-a-advise kami sa isa’t isa. Nagtutulungan kami pareho.

“Yung simple things na ginagawa ng isang gentleman sa isang babae.”

Sabi ni Marlo, close siya sa mommy ni Janella. Nagkaroon ba ng pagkakataong natanong siya ni Jenine kung may intensiyon siyang ligawan si Janella?

“Hindi po namin napag-uusapan yun ni Tita Jenine.

“Siguro sa ngayon, alam naman niya na sobrang nakaalalay din ako towards Janella, kasi nga, alam ko na bata pa si Janella.

“And medyo kailangan talaga yung i-watch her muna.

“Iyon muna sa ngayon ang ginagawa ko.”

FIRST LEAD ROLE. Excited naman si Marlo na magiging bida na sila ni Janella sa Oh My G!, na magsisimulang umere sa Enero 19.

Magandang follow-up nga raw ang show na ito matapos ang matagumpay na Be Careful With My Heart, kung saan nabuo ang loveteam nilang MarNella (Marlo-Janella).

Saad niya, “Sobrang excited kasi this is our first teleserye na kami na yung topbill ni Janella.

“So, excited na kaming patunayan kung ano ba yung meron kami and be a role model to all the people who are gonna watch our show Oh My G!

“So, thank you, thank you.”

Pagmamalaki pa ni Marlo sa kanilang show, “This show is gonna show to people that God is always here for you.

“Kasi sa mga panahon ngayon ng mga teenagers, hindi na masyadong… medyo nawawala na sa priorities nila si God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And dito, ipapakita namin na dapat number one priority pa rin natin si God dahil si God, hindi ka Niya kailanman iiwan.”

LOVE TRIANGLE WITH MANOLO. Nagulat ba si Marlo na sa halip na sila lang ni Janella ang may love angle sa Oh My G! ay ipinasok ang Pinoy Big Brother All In alumnus na si Manolo Pedrosa bilang ka-love triangle nila?

Sagot ng young actor, “Actually, hindi naman ako nagulat.

"Kasi, before pa lang, noong pinaplano pa lang ito, nakakarinig na ako ng news na they are waiting for Manolo na makalabas sa PBB.

“Siguro excited lang din sila kung ano yung puwedeng i-offer ni Manolo.”

Hindi ba na-insecure si Marlo sa pagpasok ni Manolo sa show?

Sabi ni Marlo, “A, hindi naman po.

“Kasi kapwa-artista naman si Manolo and everybody deserves a break.

“So, it’s up to them kung kaya nilang lumagpas o pumantay sa iba pa nilang co-actors na mapa-partner sa kanila.”

Babantayan ba niya si Manolo para hindi maagaw si Janella sa kanya?

“Hindi naman. I’m very close din naman kay Manolo simula noong magsimula ang workshop namin. So, walang ganun,” sagot ni Marlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN