Kim Chiu on Xian Lim: "I’m very happy when I’m with him."

"Wala naman [specific] qualities. As long as you jive together, pareho kayo ng likes and dislikes and you’re happy being with him. Siya na yung prince charming," says Kim Chiu when asked about the qualities she’s looking for in a potential boyfriend.


Walang dudang prayoridad ni Kim Chiu ang kanyang trabaho, ngunit hindi raw niya inaalis ang posibilidad na baka magkaroon na siya ng lovelife ngayong taon.

"It's just the first month of the year. May eleven months pa sa 2015!" natatawang pahayag ni Kim.

Pagbalik pa lang ng 24-year-old Kapamilya actress galing sa kanyang winter vacation sa Japan, usap-usapan ng fans nila ni Xian Lim sa social media ang tungkol sa madalas nilang pagkikita.

Kabilang na dito ang “double date” nila kasama ang resident Star Cinema director na si Mae Cruz-Alviar at asawa nitong si Benj Alviar.

fun dinnernight/catching-up with direk @maecruzalviar @xianlimm @benjalviar 😊👍 #reunited

A photo posted by Kim chiu (@chinitaprincess) onJan 7, 2015 at 7:03am PST

Sabi naman ni Kim tungkol dito, “Yeah, may mga events this year, parang we're together almost every day.

“I'm very happy when I'm with him, yun.”

Nang direktang tanungin ng PEP kung may development na ba sa special friendship nila ni Xian, simpleng tugon ni Kim, “Let's see.”

Mailap man ang aktres pagdating sa usapang pag-ibig, nilinaw niyang naniniwala siya sa “happy ending” at sa tamang panahon ay makikita niya ang kanyang “prince charming.”

Sa totoo lang ay simple lang naman daw ang hanap ni Kim sa kanyang magiging potential boyfriend.

“Wala naman [specific] qualities.

"As long as you jive together, pareho kayo ng likes and dislikes and you're happy being with him.

"Siya na yung prince charming," nakangiting saad niya.

JAMMING SESSION. Sa puntong ito ay kinumusta ng PEP ang pagkahilig nila ni Xian na tumugtog ng gitara.

Noong nakaraang taon ay nakatuwaan lang mag-post ni Kim ng short video clip ng tugtugan nila ni Xian habang nagpapalipas-oras sa set ng pelikulang Past Tense.

Nagustuhan ito ng fans nina Kim at Xian kaya mula noon ay madalas magpaunlak ang dalawa ng duet performance habang tumutugtog ng gitara sa kanilang shows sa loob at labas ng bansa.

Ayon kay Kim, hanggang ngayon ay madalas pa rin silang mag-jamming session ni Xian sa tuwing may libre silang oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, mag-guitar. Kinalimutan ko na yun pero sabi niya, 'Balik mo.'

“Isa yan sa mga pasttime namin 'pag magkasama kami,” pagkumpirma ng aktres.

Sa huli, masayang ibinalita ni Kim na malapit na silang magbalik-tambalan ni Xian sa Kapamilya primetime TV.

“I have a teleserye with Xian early this year. I have a surprise project for all of them,” masayang pahayag niya.

Wala pang title ang gagawin nilang teleserye, ngunit siniguro ni Kim na magugustuhan ito ng Kapamilya viewers.

“Super na-excite kami. The story is very nice, very inspiring, cute.

“It's not super romcom [romantic-comedy]. Of course, may spunk ng soap opera.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN