Sheryl Cruz optimistic about early recovery of German Moreno: "Fighter naman ’yang si Tatay Germs."

The singer-actress voices her debt of gratitude to the Master Showman: “Without Tatay Germs, walang Sheryl Cruz sa showbiz. Ang That’s Entertainment ang gumawa sa isang Sheryl Cruz at iba pang artista. Sobra-sobra ang suporta niya sa aming mga taga That’s. Kaya napakalaki ng utang na loob namin sa kanya."


Hindi maiwasang malungkot ni Sheryl Cruz sa pagkakaratay ng veteran TV host na si German Moreno matapos ang mild stroke nito kamakailan.

Isa si Sheryl sa naging anak-anakan ni Kuya Germs sa kanyang youth-oriented show noong '80s na That's Entertainment.

Pahayag ni Sheryl sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nakakalungkot kasi tatay-tayan ko siya sa showbiz.

“Without Tatay Germs, walang Sheryl Cruz sa showbiz.

"Ang That's Entertainment ang gumawa sa isang Sheryl Cruz at iba pang artista.

“At 'pag sinabi mong That's, si Tatay Germs yun.

"Sobra-sobra ang suporta niya sa aming mga taga-That’s, kaya napakalaki ng utang na loob namin sa kanya.

“’Pag kailangan ko siya, lagi lang siyang nandiyan at lagi siyang nakasuporta."

THE VISIT. Kamakailan lang daw niya nalaman ang nangyari kay Kuya Germs.

"Late ko na nga nalaman yung nangyari kay Tatay Germs, may nagsabi lang sa akin sa taping ng Celebrity Bluff.

"Nagulat nga ako kasi hindi ko inaakala na mangyayari iyon kay Tatay Germs.

“Kasi, at his age, sobrang lakas niya at parang walang kapaguran kung magtrabaho.

"Kaya nga nakakagulat na na-mild stroke siya.

"Siguro masyado lang siyang napagod nung holidays dahil alam kong marami siyang ina-attend."

Nangako naman si Sheryl na dadalawin niya ang Master Showman para malaman na rin ang kalagayan nito.

"Bibisitahin ko sana si Tatay Germs nung malaman ko, kaya lang hindi pa daw puwede dumalaw.

“Kailangan niyang magpahinga sa utos na rin ng doctor.

"Pero 'pag okey nang dumalaw sa kanya, pupuntahan ko siya para makamusta ko siya.

"Isasama ko na lang siya sa prayers ko at sana sa prayers na rin ng mga nagmamahal sa kanya.

"Mga kapatid ko sa That's Entertainment [na nagdarasal] para sa mabilis niyang paggaling," saad ng aktres.


FIGHTER. Umaasa si Sheryl sa mabilis na paggaling ni Kuya Germs.

“Sana gumaling kaagad si Tatay Germs dahil maraming nagmamahal sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming mga kabataan daw at mga artistang nagmamahal dito ang naghihintay ng kanyang pagbabalik showbiz.

Saad ni Sheryl, “Katulad ng lagi niyang sinasabi, marami pa siyang mga kabataan na tutulungan.

“Mga kabataang nangangarap mag-artista.

"Fighter naman 'yang si Tatay Germs kaya alam kong magiging mabilis ang kanyang paggaling.

"Isipin lang ni Tatay Germs na marami kaming naghihintay sa kanya.

“Mga taong nagmamahal sa kanya kaya kailangan niyang magpagaling.

"Sundin niya lang yung sinasabi ng doktor sa kanya para gumaling siya kaagad.

"At 'pag gumaling na siya, medyo hinay-hinay lang sa pagtatrabaho para iwas sa pagkakasakit.

"Mahal na mahal ko siya, siya na kasi yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN