John "Sweet" Lapus on titillating scenes with Derek Ramsay: "Hirap na hirap ako dahil pigil na pigil."

John Lapus on maintaining "professionalism" on his scenes with Derek Ramsay: "Kung ano man ang dapat maramdaman ng isang bakla ’pag may naghubad na lalaki sa harap ko, like Derek Ramsay, initsapuwera ko yun. So, ano lang, trabaho at wala nang iba pa. Kaya dapat nilang abangan kung papa’no ko hinubaran at pinunasan ang basang-basang katawan ni Derek Ramsay."


Kung maganda ang idinulot ng taong 2014 kay John "Sweet" Lapus sa dami ng proyektong nagawa niya, maganda rin daw ang pasok ng 2015 dahil sa dami ng proyektong kanyang gagawin.

Isa na rito ang comedy series ng TV5 na Mac and Chiz, na pinagbibidahan ng 2014 Metro Manila Film Festival Best Actor na si Derek Ramsay at ng komedyanteng si Empoy.

Ayon kay Sweet, maraming mga bading at kababaihan ang maiinggit sa kanya dahil sa role niya sa series na ito.

“Ako ang tumatayong parent/yaya ng twins [Derek and Empoy].

"Maaga silang naulila, nandiyan din naman yung uncle nila, si Greg played by Jojo Alejar.

“Pero wala siyang kuwentang uncle dito, siya yung tipo ng pabigat.

“So, ako yung nagti-takeover ng household.

"Yung character ko dito, may lihim na pagsinta kay Greg.

“So, biruin mo, apat kaming magkakasama sa iisang bahay, siguradong riot," lahad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

SCENES WITH DEREK. Dapat din daw abangan ang mga eksena nila ni Derek.

"Abangan nila yung mga eksenang naghuhubad sa harapan ko si Derek Ramsay.

“Siguradong maiinggit ang mga bakla at kababaihan!

"Kasi [sa istorya], bata pa lang siya, yaya na niya ako, kaya walang malisya 'pag naliligo siya.

“Pinupunasan ko pa siya 'pag nagdyi-gym... pinupunasan ko pawis niya.”

Dahil daw sa mga ganung eksena ay pigil na pigil at hindi pinapahalatang nae-excite si Sweet.

"Professional ako!" bulalas niya.

“Kung ano man ang dapat maramdaman ng isang bakla 'pag may naghubad na lalaki sa harap ko, like Derek Ramsay, initsapuwera ko yun.

"So, ano lang, trabaho at wala nang iba pa.

"Kaya dapat nilang abangan kung papa'no ko hinubaran at pinunasan ang basang-basang katawan ni Derek Ramsay."

Sabi pa niya, na may himig pagbibiro, "Hindi ko naman ito ginusto, ginawa ito ng writer at utos ng direktor.

“Artista lang ako para hindi sila sundin, kaya go lang ako dahil trabaho ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero inamin din sa huli ni Sweet na "pigil na pigil" siya sa mga eksena nila ng hunky actor.

"Pero gusto kong malaman niyo na sa tuwing may eksenang naghuhubad si Derek Ramsay ay hirap na hirap ako dahil pigil na pigil.

“At the same time, ang hirap aktingin yung ganung eksena na pigil na pigil.

“Mabuti na lang, friend ko si Derek, matagal na.

"We worked many times in the past and I’m so happy and honored to work with him again.

"Lalo na ngayon na kapapanalo pa lang niya ng Best Actor sa Metro Manila Film Festival."

Alam daw ni Sweet na dadagsa ang kanyang bashers kapag napanood ang mga nakakakiliting eksena nila ni Derek.

Pero aniya, "Deadma lang, trabaho lang naman itong ginagawa ko.

“Sinusunod ko lang ang nakalagay sa script at utos ng direktor.

"Artista lang ako at lahat ng gagawin ko dito ay naaayon lang sa role na ginagampanan ko.

"Alam ko naman na yung mga taong gagawa nun ay yung mga taong maiinggit sa akin 'pag napanood nila yung sinasabi kong eksena."

EMPOY. Tungkol naman sa isa pa nilang co-star na si Empoy, ani Sweet, “Ever since naman, I’m a fan of Empoy.

“Sa tingin ko nga, Empoy will be the next Jimmy Santos.

"Dapat din nilang abangan yung mga bagong words na iniimbento ni Empoy sa show namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN