Janice de Belen on being close to Priscilla Meirelles: "Parang medyo weird na ‘yon."

The once icy relationship between Janice de Belen and ex-husband John Estrada has thawed, but she still won’t do a project with him. She explains, "Mahirap… supposing maging magkasama kami sa isang show o kahit sa isang movie, pag-uusapan ‘yan."


Mas maayos na ang pakikitungo ngayon sa isa't isa ng dating mag-asawang sina Janice de Belen at John Estrada, pagkatapos ng ilang taon ding hindi nila pagkakaunawaan.

Sabi nga ni Janice, “Oo, it’s a good thing.

“Alam mo, open naman ako sa ganun.

"Kaya lang, ayoko kasi ng ano… hindi yung pinipilit ang isang bagay, it should just happen.

“And okey naman kami. Kung may kailangan naman akong sabihin sa kanya, naididiretso ko naman iyon sa kanya.

“Hindi naman ako naghu-hold, sinasabi ko naman parati.

“Kaya lang sa ngayon, it’s more… it’s a better relationship kasi nag-uusap kami.

“Ang importante, nag-uusap kami.”

WORKING TOGETHER. Dahil okey na sila ni John, puwede na rin ba silang magsama sa isang show o project, lalo na't pareho silang nasa ABS-CBN ngayon?

Sagot ni Janice, “Iyon ang mahirap, and it’s not a personal thing, ha.

“Kaya lang, mahirap… supposing maging magkasama kami sa isang show o kahit sa isang movie, pag-uusapan ‘yan.

“May asawa siya. I do not ever want anybody to feel uncomfortable of my presence.”

Pero hindi ba't trabaho lang iyon na dapat maintindihan ng asawa ni John ngayon, ang dating Miss Earth na si Priscilla Meirelles?

Giit ni Janice, “Kahit na. Asawa niya ‘yon, e.”

Hindi sila close ni Priscilla?

“Hindi kami close, pero hindi naman kami magkagalit.”

May pag-asa kayang maging magkaibigan sila lalo na't close din ang mga anak nila ni John kay Priscilla?

Ayon kay Janice, “It’s kind of weird maybe on her part na maging close sa akin.

“Pero, like I said, hindi lahat ng relationship, naipipilit.

“Okey na siguro yung nag-uusap kami, oo.

“Pero yung maging close, parang medyo weird na ‘yon.”


AGA & GABBY. Si Aga Muhlach, na ama ng kanyang panganay na si Luigi, okey lang na magsama sila sa isang project kung sakali?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo... siguro,” sambit ni Janice.

Si Gabby Concepcion na naging ka-loveteam at boyfriend din niya noon?

“Naku, naman, nagtrabho na kami ni Gabby nang ilang beses!

“Actually, si Gabby yata ang pinakamaraming beses kong nakatrabaho.

“And… okey, wala kaming problema ni Gabby.”

MARRYING AGAIN. Kung dumating ang pagkakataong may mag-propose sa kanya, willing ba siya to get married again?

Sagot ng 46-year-old actress, “Kasal? Hindi na siguro, hindi na!

“Alam mo, sa tagal ko kasing single, I think I have become selfish.

"Selfish in terms of… kasi ngayon nagagawa ko ang gusto ko.

“Nakakaalis ako kung anong oras ko gusto, nakakauwi ako ng kung anong oras ko gusto.

“Hindi ko kailangang mag-text na… wala akong pinapaalaman, ‘di ba?

“Feeling ko, masyado na akong nasanay sa gano’n.

“Nasanay na ako na nagdedesisyon mag-isa para sa sarili ko, para sa kahit na ano.

“I think sa puntong iyon, I have become selfish.

“Hindi ko na yata kayang mag-submit or…”

Pero kung boyfriend, okey lang?

“Hindi ko rin alam, e. Hindi ko talaga alam.

“It’s so weird kasi… hindi ko talaga alam!” nangiting sabi ni Janice.

Kung sakaling may manligaw sa kanya, mas gusto ba niya yung kasing-edad niya o mas matanda sa kanya o mas bata sa kanya?

Sabi ni Janice, “Promise, hindi ko talaga alam!

“Kasi I cannot see it for sure, e. I do not know.

“I don’t know how I’ll feel kung sino ang magugustuhan ko, hindi ko alam alam talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN