Jed Madela’s camp denies throat surgery rumors

“Jed Madela DID NOT undergo any surgery whatsoever in his voice box or larynx or in any part of his body.” Ito ang post ng manager ni Jed Madela na si Annie Tajanlangit Mercado kasunod ng mga usap-usapang sumailalim diumano sa operasyon si Jed para sa kanyang boses.


Ipinagtanggol si Jed Madela ng kanyang manager na si Annie Tajanlangit Mercado tungkol sa kumakalat na balitang sumailalim diumano ang Kapamilya singer sa surgery para sa kanyang boses.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Annie na may ilang tao ang nagtatanong sa kanya, kabilang na ang concert producers at corporate clients, kung may katotohanan ang isyu tungkol kay Jed.

Sa kanyang official statement, sinabi ng manager na nagkaroon lamang ng laryngitis o “napaos” ang kanyang alaga, at wala nang iba pang dahilan.

“Ok, after quite a number of people asking me this question, 3 of them from corporate clients and 2 concert producers, let me make this official statement: Jed Madela DID NOT undergo any form of surgery in his throat or his voice box.

"He had laryngitis and that's that. In tagalog "Na-paos" and nothing more.

"He was made to rest his voice for a couple of weeks.

"His voice is not only back to normal now it has become even more powerful than it was ever before because he has learned to do the necessary rest stops in between engagements.

"Also, Jed had been singing in ASAP these past weeks already.

"Someone who's got nothing better to do has been spreading this nasty rumor.

"I hope this statement will put a stop to that. Share if you please."

Matatandaan na noong Disyembre ay inilahad ni Jed, via social media, na kinailangan niyang magpahinga muna at pansamantalang tumigil sa pagkanta dahil nawala ang kanyang boses dahil sa sunud-sunod na trabaho.

Diin pa ni Annie sa kanyang Facebook account. “…so stop the nasty rumors! @jmadela DID NOT undergo any surgery whatsoever in his voice box or larynx or in any part of his body.‪#‎stopcraptalk


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN