Derek Ramsay on renewing his contract with TV5: "If they want me to be with them, of course, I’ll be with them."

Sa katapusan na ng Pebrero magtatapos ang kontrata ni Derek Ramsay sa TV5. Pero ayon sa aktor, hindi pa niya alam kung may offer ba ang istasyon para i-renew ang kanyang kontrata.


Sa February 28, 2015 na mag-e-expire ang tatlong taong kontrata ni Derek Ramsay sa TV5.

May balak ba siyang mag-renew sa Kapatid Network?

Nakangiting tugon ng hunky actor, “It’s up to them.

“Yeah, if they want me to be with them, of course, I’ll be with them.

"If not, we will see where we go from there."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Derek sa launching ng bagong shows ng TV5 kagabi, January 13, sa Sampaguita Gardens, Quezon City.

Isa ang Mac and Chiz, ang pinagbibidahang sitcom ni Derek kasama si Empoy Marquez, sa bagong entertainment shows ng TV5.

Nakatakd itong mag-pilot sa January 25, 8 P.M.


ENGLISH ONLY, PLEASE PART 2? Naging surprise hit sa nakaraang 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang English Only, Please, ang pelikula nina Derek at Jennylyn Mercado.

Nanalo rin ang dalawa bilang Best Actor at Best Actress sa Gabi ng Parangal.

Sa buong run ng MMFF, pumang-apat ang English Only, Please sa ranking ng may pinakamalaking kita sa box-office.

Kaya naman naging usap-usapan na ang pagkakaroon diumano ng Part 2 nito.

Pahayag ng actor-TV host tungkol dito, “A lot of ideas are being thrown out right now.

“Viva wants us to do a movie.

"Meron pang parang offer na three stories in one. I think Anne Curtis and Dennis Trillo ba... basta three stories in one.

“Basta one of them is for Jen and I, pero puwedeng mabago, hindi ko alam.

"Basta ang daming in-offer na ideas.

“At least I had three offers for movies.

"Expect me to do a lot of movies this year."


10 YEARS IN THE INDUSTRY. Aminado si Derek na dahil sa tagumpay ng English Only, Please—hindi lang sa takilya kundi sa awards night—nagsilbi itong daan para magbukas ang mas maraming magagandang oportunidad sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Yes, the movie has opened new doors.

"But before the success of the movie, I was blessed with another endorsement.

“Even on the height... yung controversy where people make assumptions on what they hear, I was still blessed with a new endorsement…

"This was based on what people know of me, what are given in almost ten years of the industry…

"Hindi mo maaano yun, e, hindi mo mabubura sa isip ng tao.

“Sampung taon, ito ang ipinakita ng taong ito, hindi mo mabubura yun.

"It’s nice to know that, you weigh the scale, there are more people who think of me highly than those who just battle to bash me.”


MOVIE WITH KRIS AQUINO. Dahil sa mga magagandang nangyari sa kanyang karera—kahit marami rin siyang kontrobersiyang pinagdadaanan—tila muling nanumbalik ang magandang relasyon ni Derek sa film arm ng ABS-CBN, ang Star Cinema.

Pahayag niya, “It’s a nice feeling that they’ve reached out and, you know, let bygones be bygones, let’s work and move forward.

“Matagal ko na sinabi sa inyo na, ako, matagal nang wala sa akin yun.

"Meron silang… unang offer is a movie under ng kanilang Skylight [Films], now they want to co-produce a movie with Quantum [Films] and Regal [Entertainment], with Kris Aquino."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN