Kris Aquino announces son Bimby will have own portion in Kris TV

Mukhang tuluy-tuloy na ang pagsabak sa mundo ng entertainment ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap. Pagkatapos kasi ng matagumpay na The Amazing Praybeyt Benjamin, may gagawin na namang isang pelikula si Bimby at magiging bahagi na rin siya ng morning show ni Kris na Kris TV.


Masayang nagkuwento si Kris Aquino sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media tungkol sa nalalapit na mga proyekto ng anak niyang si Bimby Aquino Yap.

Isa na rito ang pelikulang sisimulang gawin ni Bimby sa Star Cinema ngayong taon.

Ito ay pagkatapos ng tagumpay ng naunang dalawang pelikula ni Bimby—ang My Little Bossings noong 2013 at ang Amazing Praybeyt Benjamin noong 2014.

Kuwento ni Kris, “In-offer ni Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director] at sinabi naman nila na hihintayin nila ang bakasyon.

“So, sa June. Siya na lang, magbabantay na lang ako.

“Cute yung concept kaya nae-excite na ako, sana mangyari.

“Siyempre, as stage mother, sinabi ko, 'Sinong direktor?’

“‘Kris, depende pa sa concept.’

“‘Hindi, sino nga ang direktor?’

“Nangungulit lang ako.

“And I asked him [Bimby] kung gusto niya.

"'Tapos sabi niya, ‘I want you to be there and Tita Vice.’”


BIMBY ON KRIS TV. Ibinalita rin ni Kris na magiging bahagi na rin si Bimby ng kanyang morning show na Kris TV, kung saan magkakaroon ang bunsong anak ng sarili nitong portion.

Pahayag ni Kris, “Ito, puwede ko nang i-announce.

"Mas exciting, request ni Ma’am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN President] after my birthday.

“Bim will have a regular portion na in Kris TV, 'Kris TV with Bim.'

“Ang first niyang gagawin, tinanong ko siya, ‘What you wanna do?’

“Parkour daw, yung talon-talon.

"Next daw na gagawin niya after parkour is taekwondo.

“Portion niya, so kung ano ang gusto niya.

"Pero sabi ko, ‘You have to dance also because the fans want to see you dance.’

“‘Okay, but I don’t want in a small space… don’t force me to dance in Aquino and Abunda, it’s too small.’

“And I said okay. Malaki daw dapat kung gagalaw siya kaya nakaka-excite.”

PROUD MAMA. Very proud din si Kris dahil bukod sa tagumpay ng The Amazing Pryabeyt Benjamin, isa si Bimby sa pararangalan ng Gawad Tanglaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bulalas ni Kris, “Super, super proud mama!

"Itong award ni Bimb na bago, super proud mom ako. As in, congratulations!

“It’s Natatanging Bata, Bibo, Aktibo at Talentadong Anak ng Sining awardee for the 13th Gawad Tanglaw.

“Basta, thank you, proud na proud ako.

"Pero mas proud ako kasi matataas ang grades niya.

“Kahit mayroon siyang six absences nung nagsu-shooting, at least, nung nakita ko yung report card niya, ‘di niya napabayaan ang pag-aaral niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN