Karla Estrada avoids KathNiel relationship issue: "Sino ba naman ako para pangunahan silang dalawa?"

Karla Estrada says her son Daniel Padilla is deluged with work, he does not have time for social life. "Pero, hindi naman ibig sabihin na hindi na siya matututong makipagkaibigan. Kasi, eventually, paano ka ba magiging normal na tao, ’di ba?"


Ayon kay Karla Estrada, sobrang hectic na ang schedule ngayon ng kanyang anak na si Daniel Padilla kahit kasisimula pa lang ng taong 2015.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Karla sa Grub, sa ABS-CBN compound, noong Martes, January 13, idinetalye ng actress-singer kung gaano ka-busy ang kanyang sikat na panganay na anak.

"Mas bongga ito kasi ang katotohanan ay wala na siyang halos day to rest the whole 2015, sa awa ng Diyos.

"So, hindi na kami makatanggap ng out-of-town shows, kasi yung araw na ilalabas niya ng Metro Manila, ipagpapahinga na lang namin.

"Kasi, right now, ongoing na ang movie niya with Kathryn Bernardo.

"After that, tuluy-tuloy na 'yan. Taping-taping na 'yan, until gawin nilang dalawa ang movie with Vice Ganda.

"Pagsasabayin ang tapings niya at shooting."

Patuloy ni Karla, "Kasi, 'di ba, dalawang movies nina Daniel at Kathryn na talagang tumiba?

"Kumbaga, they are really bankable stars now.

"Napatunayan natin na kahit silang dalawa lang, hindi lang sa TV, ay bongga na.

"'Tapos kasama pa nila si Vice, ang saya nito, excited kami, kasi iba 'to.

"Minsan kasi, 'di mo kailangang pagsabayin ang dalawang big stars para may natitira.

"Pero it's for Christmas anyway, so okay lang."


DELUGED. Ayon kay Karla, halos araw-araw nang nagsu-shooting si Daniel para sa bagong movie nito kasama si Kathryn, na ipapalabas sa Marso.

Bukod dito, magsisimula na rin ang young actor na mag-taping para sa remake ng teleseryeng Pangako Sa 'Yo, na muli nilang pagbibidahan ni Kathryn.

Bandang October naman, sisimulan ni Daniel ang isa pang pelikulang gagawin nito na kasamang muli si Kathryn, this time kasama si Vice Ganda.

Ito raw ang entry ng KathNiel at Vice para sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Wala naman daw reklamong natatanggap si Karla mula sa kanyang anak dahil sa sobrang pagtatrabaho nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Basta 'pag araw-araw [na nagtatrabaho], naghahanap 'yan ng rest, ganun lang.

"Kahit naman walang trabaho, 'di naman nakakatulog nang maaga.

"Hindi naman siya lumalabas ng bahay, lahat ng friends, nandun.

"Nanonood sila sa theater room, nagba-basketball, nagbi-biliards sila, so talagang busy rin."


SPOILERS. Mabuti na raw na ganun ang activities ni Daniel, para malayo ito sa mga intriga katulad noong nakaraang taon.

Saad ng singer-actress, "Pero hindi naman ibig sabihin na hindi na siya matututong makipagkaibigan.

"Kasi, eventually, paano ka ba magiging normal na tao, 'di ba?

"So, para sa akin, it's just a matter of broadening your mind and understanding it.

"Yun nga lang, mahirap i-explain, kasi mga bata pa nga.

"Lahat naman ay napagdadaanan natin."

'Tulad nga sa huling intriga sa tambalang KathNiel na naging viral sa social media, ang diumano'y kissing scene nila sa isang airport.

Natawang saad ni Karla tungkol dito, "Oo nga, alam mo naman ang fans!

"Ngayon nga, meron silang napagsasabihan na kunyari, kukunan ang isang eksena ng movie, 'tapos ilalagay na kaagad sa social media.

"Siyempre napi-preempt tayo na hindi pa naipapalabas, napanood mo na ang pelikula sa social media.

"Ako, ang pakiusap ko sa KathNiel [fans], na sumunod tayo dun sa tinatawag natin na huwag maging spoiler sa movie.

"Kung nanonood tayo ng shooting, huwag na muna nating i-pose nang i-pose, itabi na muna natin ang pictures, kasi nga, 'di ba?"

THE REAL SCORE. Nagsalita rin si Karla tungkol sa ulat ng PEP na officially ay mag-on na sina Daniel at Kathryn.

Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in a relationship, say sources

Saad niya, “Ako kasi, parang... kung manggaling sa... hindi kasi tayo yun, e.

"Kahit ako, kaya kong sabihin na, 'Kayo na ba? Kayo na yata.'

"Kaya nating mag-assume, 'no.

"But sino ba ang... kung ako nga ang ina, hindi ako...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sino ba naman ako para pangunahan silang dalawa?

"Unang-una, they are adults, 'di ba?

"Ang importante, walang problema sa akin kung maging sila man.

"Maging magkaibigan man sila o maging sila man, walang problema sa akin.

"Ang akin lang lagi ay mag-focus sa trabaho sa ngayon, dahil ito ay isang bagay na dumadaan lang.

"Hindi ito nag-i-stay 'tulad sa pag-iibigan ng mga tao. Hindi ito forever.

"Kung kaya't kung ano ang ibinibigay sa atin, pangalagaan, i-value, i-improve.

"Pagdating ng araw, kung ano ang gusto nating gawin, at least, nagawa na natin lahat, at wala nang regrets-regrets pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN