Julia Montes denies pregnancy rumor: “Wala pa ngang boyfriend, e. Paano kaya?”

Julia Montes on her choice not to have a boyfriend at this moment: “Kasi, kilala ko ang sarili ko. Ako kasi, ‘pag focused ako sa work, focus muna ako. At ayokong mag-focus sa love kasi ang daming oportunities. At bibihira naman mabigyan ng ganitong opportunities ang iba.”


Mariing itinanggi ni Julia Montes ang kumalat na balitang buntis diumano siya kaya hindi siya gaanong napagkikita sa showbiz functions nitong mga nakalipas na buwan.

Maging ang balitang umalis siya ng bansa para magtago ay pinagtawanan na lang niya.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa presscon ng pelikulang Halik Sa Hangin, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ngayong gabi, January 14, ay binigyang-linaw ni Julia ang tungkol sa isyung ito.

Saad ng Kapamilya actress, “Oo nga, nagsu-shooting...

“Sana nga po ay nakaalis ako ng bansa, pero hindi nga ako nakaalis ng bansa.

“And, of course, lagi kaming nagsu-shooting, almost every day in a week. So, lagi kaming magkakasama.

“Wala pa ngang boyfriend, e. Paano kaya?” nagtataka pa niyang tanong sa sarili at sa press.

NOT THE FIRST TIME. Ipinagtataka rin ng ilan kung bakit hindi na siya gaanong nagpu-post sa Instagram account, kumpara noon na madalas siyang mag-update ng kanyang mga aktibidades.

Palwanag ni Julia, “ Hindi talaga ako ma-post [ngayon].

“Ini-enjoy ko lang lagi kapatid ko, inihahatid ko sa school.

“’Pag walang work, lumalabas kami, talagang yung bonding time, tsini-cherish ko talaga.

“’Tapos ginawa ko siyang private, kaya walang lumalabas, kasi hindi ako nagpu-post lately.”

Hindi raw ito ang unang pagkakataong natsismis na buntis si Julia.

Pagbabalik-tanaw ng 19-year-old actress, “Honestly, ‘pag nari-recall ko nga, may isyu na diyan before.

“Hindi ko maalaala kung ilang taon ako, naisyu na rin ako nun.

“Pinagtatawanan ko na lang, kasi nga, baka hindi nga ako nagpu-post, hindi ako masyadong lumalabas sa TV, at focused kami dito [sa movie].

“And for sometime, nag-lock-in talaga kami sa Baguio [location ng Halik Sa Hangin].”

Gumawa ba siya ng paraan para alamin kung saan nagsimula ang tsismis o kung sino ang nagkakalat nito?

Sabi ni Julia, “Siguro, kung ako, hindi ko na iniisip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, kung meron man, lalaki na lang siguro ang tiyan ko.

“So, yun, lalabas at lalabas rin naman ‘yan kung totoo.

“Kung wala, wala naman talaga.”

NO LOVELIFE. Marami rin ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang boyfriend, pagkatapos mabalita noon ang naging relasyon nila ni Enchong Dee.

Pahayag ni Julia tungkol dito, “Siguro, work lang muna talaga.

“Kasi, kilala ko ang sarili ko.

“Ako kasi, ‘pag focused ako sa work, focus muna ako.

“At ayokong mag-focus sa love kasi ang daming oportunities.

“At bibihira naman mabigyan ng ganitong opportunities ang iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN