#PopeFrancisPH: Celebrities give Pope Francis a warm welcome through Instagram

“Naiiyak ako sa pag dating ni Pope Francis. Kinakabahan ako na sobrang saya ng puso ko,” says Angeline Quinto about the arrival of Pope Francis in the country. Her song “Piliin Mo ang Pilipinas” was played when Pope Francis arrived at the Villamor Airbase in Pasay City earlier this afternoon, January 15.


Katulad ng karamihan ng mga Pilipino ngayon, emosyunal din ang ilang local celebrities sa pagdating ng Santo Papa sa bansa ngayong araw, January 15.

Bago pa man dumating si Pope Francis, hindi na napigilan ni Angeline Quinto na ibahagi sa kanyang followers sa Twitter ang kanyang nararamdaman:

Nang dumating si Pope Francis, mas lalong naging emosyunal si Angeline dahil ang kanta niyang “Piliin Mo ang Pilipinas” ang ginamit para sa welcome dance na inihanda ng mga kabataan sa Villamor Airbase.

Bukod kay Angeline, nagbigay rin ng mainit na pagsalubong ang ilang personalidad sa kani-kanilang Instagram account.

Narito ang ilan sa kanila:

Ruffa Gutierrez

Carla Abellana

Mabuhay, Pope Francis! We love you very much! ❤️ #PopeFrancisPH

A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) onJan 15, 2015 at 2:30am PST

Gretchen Barretto

Ogie Alcasid

Welcome to the Philippines pope Francis. @tv5insider God bless you

A photo posted by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) onJan 15, 2015 at 2:43am PST

Bianca Gonzalez-Intal

JC Intal

Rodjun Cruz

Robi Domingo

We love you, Pope Francis! Welcome to the Philippines! #PopeTYSM 🙌

A photo posted by Robi Domingo (@iamrobidomingo) onJan 15, 2015 at 3:13am PST

Shaira Mae

MARAMING SALAMAT POPE FRANCIS @Pontifex!! We love you so much!!!🙏🙏🙏❤️

A photo posted by Shaira Mae (@shairamae_) onJan 15, 2015 at 3:12am PST

Christine Bersola-Babao

Mananatili hanggang sa Lunes, January 19, ang Santo Papa sa bansa.

Bukas, January 16, may courtesy call si Pope Francis sa Malacañang, na agad na susundan ng misa sa Manila Cathedral.

Pagkatapos ay may “Meeting with the Families” siya sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa Sabado, January 17, pupuntahan niya ang survivors ng typhoon Yolanda sa Palo, Leyte.

Sa Linggo, January 18, babalik ng Maynila si Pope Francis para sa pulong sa ilang religious leaders at mga kabataan sa University of Santo Tomas.

Pagkatapos nito ay pangungunahan niya ang ang misa sa Luneta Grandstand.

Sa Lunes, January 19, babalik na si Pope Francis sa Rome.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN