#PopeFrancisPH: Filipinos to His Holiness: “We Love You, Pope Francis!”

Na-impress daw ang Vatican sa maayos at ligtas na pagsalubong ng mga Pinoy kay Pope Francis, ayon kay Father Federico Lombardi, ang director ng Vatican Press Office sa isinagawang briefing matapos ang motorcade ng Santo Papa sa Pilipinas.


Eksaktong 5:31 ng hapon nang lumapag sa Villamor Airbase ang Sri Lankan Airline Airbus 340-300 kung saan lulan si Pope Francis.

Matapos ang ilang security protocols, lumabas na ng eroplano si Pope Francis.

Pagkalabas niya ng eroplano, inilipad ng malakas na hangin ang kanyang skullcap.

Sinalubong si Pope Francis sa baba ng hagdan ng eroplano ni Pangulong Noynoy Aquino, na humalik at nagmano sa kamay ng Santo Papa.

Bago pa man magkausap ang dalawa ay inilipad din ng hangin ang kapa na tumakip ni Pope Francis sa kanyang mukha. Pero nakangiti pa rin ang Santo Papa.

Matapos nito, sinimulan na ang pormal na seremonya para sa pastoral and state visit ni Pope Francis sa Pilipinas.

Una munang itinugtog ang Pontifical Hymn ng Vatican na "Inno e Marcia Pontificale" at sinundan naman ng Pambansang Awit ng Pilipinas na "Lupang Hinirang."

Matapos nito, isa-isa nang nilapitan ni Pope Francis ang 12 government officials at 12 kinatawan ng simbahan,

Sinundan ito ng pag-welcome ng dalawang abandonadong bata—sina Lanie Ortillo at Mark Angelo Balderos—upang isabit dito ang mga dala nilang bulaklak.

Niyakap at hinalikan sila ng Santo Papa.

Matapos nito, dumiretso muna sa Bulwagang Kalayaan sa Villamor Airbase ang delegasyon nina Pope Francis at Pangulong Aquino.

Matapos ang ilang minuto, lumabas na si Pope Francis kasama si PNoy upang simulan na ang motorcade ng Santo Papa.

Sumakay si Pope Francis sa kanyang Pope mobile na custom-made Isuzu D-Max.

Nagsimula ang motorcade bandang alas-6:17 ng gabi.

Sa lahat ng ruta ng motorcade ay punung-puno ng mga Pilipino na nais masilayan ang tinatawag din nilang "Lolo Kiko."

Iisa ang sigaw ng mga Pinoy: “We Love You, Pope Francis.”

Bandang alas-6:56 ng gabi, nakarating na ang convoy ni Pope Francis sa Apostolic Nunciature sa Taft Avenue, Manila, na magsisilbing kanyang official residence sa loob ng limang araw niyang pamamalagi sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos nito, nagsagawa ng press briefing si Father Federico Lombardi, ang Vatican Press Office director, sa Diamond Hotel.

Sinabi nitong "very impressed" daw si Pope Francis sa dami ng mga taong sumalubong sa kanya at sa maayos at ligtas na pagsalubong ng mga Pilipino sa kanya.

Samantala, narito ang official itinerary ni Pope Francis mula sa Vatican sa kanyang limang araw na pagbisita sa bansa:

January 15, 2015 (Thursday)

5:45 P.M. Arrival from Sri Lanka – Villamor Air Base

Motorcade to the Apostolic Nunciature – Taft Avenue, Manila

January 16, 2015 (Friday)

9:15 A.M. Welcome Ceremony – Malacañan Palace, Manila

Courtesy Visit to the President

10:15 A.M. Meeting with Authorities and the Diplomatic Corps

Motorcade to the Cathedral-Basilica of the Immaculate Conception (Manila Cathedral)

11:15 A.M. Mass with Bishops, Priests, and Women and Men Religious – Cathedral-Basilica of the Immaculate Conception (Manila Cathedral)

5:30 P.M. Motorcade to the Mall of Asia Arena, Pasay

Meeting with the Families – Mall of Asia Arena, Pasay

January 17, 2015 (Saturday)

8:15 A.M. Departure for the Archdiocese of Palo – Villamor Air Base

9:30 A.M. Arrival at Tacloban Airport

10:00 A.M. Holy Mass near Tacloban Airport

12:45 P.M. Lunch with the Poor and Survivors of Calamities at Gonzagahaus (Residence of the Archbishop of Palo) – Palo, Leyte

3:00 P.M. Blessing of the Pope Francis Center for the Poor – Palo, Leyte

3:30 P.M. Meeting with the Priests and Women and Men Religious at Cathedral of Our Lord’s Transfiguration (Palo Cathedral) – Palo, Leyte

5:00 P.M. Departure for Manila

6:15 P.M. Arrival at Manila – Villamor Air Base

January 18, 2015 (Sunday)

9:45 A.M. Brief Meeting with Religious Leaders – Pontifical University of Santo Tomas, España, Manila

10:30 A.M. Meeting with the Youth – Pontifical University of Santo Tomas, España, Manila

Motorcade to Rizal Park, Manila

3:30 P.M. Concluding Mass, Rizal Park, Manila

January 19, 2015 (Monday)

9:45 A.M. Motorcade from the Apostolic Nunciature

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

10:00 A.M. Departure for Rome – Villamor Air Base

5:40 P.M. Arrival at the airport of Rome/Ciampino


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN