Francine Prieto reveals battle with suicidal thoughts

Francine Prieto on picking up the pieces after battling suicidal thoughts: "Ngayon, nag-i-start pa rin talaga. Pero ngayon, ‘pag may pagkakamali ako, ang bilis ko agad natutunan. ’Tsaka naggu-grow ka talaga. Unti-unti, recently nga, pati yung spiritual life ko, inayos ko. Yung relationship ko kay God, okey na."


Inamin ni Francine Prieto na dumating sa isang punto ng buhay niya na naisip niyang magpakamatay.

Saad ng dating sexy star, “Dumaan ako, nagkaroon ako ng ganyan dati.

“Siguro mga 2011. ‘Yan yung mga time na sobrang wala akong project.

“Hindi kami okey ng family ko, kaka-break ko lang sa boyfriend ko, wala akong trabaho.

“So, parang, ano na ang nangyayari?

“’Tapos, binigyan ko ang sarili ko ng taning hanggang 2012. Binigyan ko ang sarili ko hanggang March 2012.

“Sabi ko, ‘pag wala pa rin akong trabaho, April, benta ko lahat ng gamit ko, arrange ko yung cremation ko.

“March 1, binigyan ako work. So, sabi ko, ‘A, may purpose pa pala ako sa mundo.’

“So, after nun… hindi na ako nag-isip uli ng ganun.

“Pero siyempre, for 28 years, mommy ko ang nagku-control ng buhay ko.

“So, nung namatay siya, sobrang hindi ko alam kung saan ako magsisimula."

Pumanaw ang ina ni Francine na si Amelia Falcon noong March 26, 2010 pagkatapos ng pakikipaglaban sa ovarian cancer.

Read: Francine Perito's mom Amelia Falcon succumbs to ovarian cancer

Patuloy ng 32-year-old actress, “Ngayon, nag-i-start pa rin talaga.

“Pero ngayon, ‘pag may pagkakamali ako, ang bilis ko agad natutunan.

“’Tsaka naggu-grow ka talaga.

“Unti-unti, recently nga, pati yung spiritual life ko, inayos ko.

“Yung relationship ko kay God, okey na. Parang nag-iba na rin yung pananaw.

“At least, ngayon, hindi ko na nararamdaman na nag-iisa ako. Hindi gaya dati na parang end of the world.

“Iba na ang pananaw ko sa buhay ngayon.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Francine sa launching ng mga bagong programa ng TV5 sa Sampaguita Gardens, sa Valencia, Quezon City, noong Martes, January 13.

Kabilang si Francine sa cast ng bagong series ng TV5 na 2 ½ Daddies, na pinagbibidahan ng magkakapatid na Robin Padilla, Rommel Padilla, at BB Gandanghari.

OUTSIDE SHOWBIZ. Paano na ang financial needs at obligations niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Francine, “Last year kasi, hindi naman pala-palaging may project.

“So, nung 2013 na nag-end yung project ko, ‘tapos wala na naman, sabi ko, ayoko na ng ganitong buhay.

“Last year, nag-start ako mag-work sa corporate. Dalawang companies yung napasukan ko.

“Pero parang hindi okey, hindi ako masaya, hindi ako para doon.

“Yung isa, events and marketing management. So, naging account director ako doon.

“Yung isa naman, sa interior design company, sa sales management naman ako. Pero hindi talaga siya okey.

“Late last year, nag-decide uli ako na bumalik sa showbiz, kaya ipinagdarasal ko talaga siya.

“Nakakatuwa naman kasi ito [2 ½ Daddies] ang first project ko na dumating sa akin.”

RUMORS. Sinagot naman ni Francine ang usap-usapan noong pinasok na rin diumano niya ang trabahong pagbebenta ng katawan para magkaroon lang ng ikabubuhay o pagkakakitaan.

Kalmado niyang pahayag, “Ay, naku, mula ‘ata nung fifteen ako, parang ganun na ang iniisip nila.

“Never ko naman siyang ginawa. Never ko siyang ginawa nang ganyan.”

Ang 2 ½ Daddies ng TV5 ang comeback project sa telebisyon ni Francine Prieto.

Ginagampanan niya rito ang papel bilang biyuda ng isang Japanese at in love kay Robin.

Bagay raw kay Francine ang role niya bilang isang “matrona” dahil sa malaking pigura niya ngayon.

Ano ang arrangement nila ng TV5?

Sabi ng aktres, “Wala naman kaming usapan, per project lang.

“Ang maganda lang this year, recently lang, may nakausap na akong tao na magha-handle sa akin.

“Kasi ang tagal ko nang walang manager, e.

“Siyempre, kung ikaw lang mag-isa, hindi naman tama yun.

“Iba pa rin ‘pag may nagha-handle sa iyo.”

Sinisimulan na raw ni Francine ang magpapayat para magkaroon siya ng mas maraming projects.

Wala pa ba siyang balak magkaroon ng asawa at sariling pamilya?

Tugon niya, “Yun nga ang sinasabi nila sa akin, bakit hindi pa raw ako nag-aasawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, wala nga akong aasawahin! Kung meron lang, e, ‘di ba, why not?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN