Gelli de Belen still negotiating for renewal of contract with TV5

Gelli de Belen on why she loves working the Kapatid network: "Sa totoo lang, nung nandito ako, siyempre I got to do a lot of things that I never get to do before. Siguro it came with age and the time. So, I was given a chance to host. Nakaya ko naman ang mag-host na hindi lang variety show, na parang ganito [public service], na kaya ko pala. So, nag-e-enjoy ako dahil marami akong natututunan."


Masaya raw si Gelli de Belen sa pagiging Kapatid star, kahit na sinasabing napag-iiwanan na ang TV5 ng mga kalaban nitong networks, partikular na ang ABS-CBN at GMA-7.

Pahayag ng TV host-actress, “Happy ako na may work ako.

“Happy ako na nandito ako, I get to do the job that I really like to do.

“Ano pang hihingiin ko, ‘di ba?”

Ibig sabihin, hindi na importante kay Gelli kung gaano karami ang nakakapanood ng kanyang show, basta masaya siyang nagagawa ang trabahong gusto niya?

“Oo, hindi natin alam, baka bukas makalawa… bilog naman ang mundo, 'di ba?” sambit ni Gelli, na ang ibig sabihin ay umaasa siyang malagay rin sa number one spot ang TV5 bilang most-viewed TV network sa bansa.

May offers ba siyang bumalik sa GMA Network o gumawa ng show sa ABS-CBN?

Tumango at ngumiti lang ang Kapatid TV host-actress.

Kinukunsidera ba niya ang offers na ito mula sa mga nabanggit na ibang TV stations?

Sagot ni Gelli, “Kinu-consider ko rin, pero I’m still here, ‘di ba?

“Ano na ako dito, three years.”

Hanggang kailan pa ang kontrata niya sa Kapatid network?

“Uhm… right now, we’re under negotiation.”

Ibig bang sabihin nito ay nag-expire na ang kontrata niya o magtatapos na?

“No, nag-expire na siya, pero we’re under negotiation… we’re negotiating right now,” paglilinaw ni Gelli.

Alinlangan si Gelli na sabihin ang eksaktong date kung kailan nagtapos ang kontrata niya sa TV5.

Ano pa ba ang hinihintay niya para pumirma siya ng bagong kontrata?

“E, nagni-negotiate na kami, e,” sabi niya.

NEW SHOW. Bagamat hindi pa siya nakakapirma ng bagong kontrata, may bagong show si Gelli sa TV5.

Ito ay ang public service program na Solved Na Solved, na magbibigay ng legal counsel sa mga manonood. Makakasama niya rito bilang co-hosts sina Atty. Mel Sta. Maria at Arnell Ignacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito ay napapanood pa rin si Gelli sa gag show na Tropa Mo ‘Ko Nice Di Ba?.

Kabilang ang Solved Na Solved sa mga bagong programa ng TV5 na inilunsad noong January 13 sa Sampaguita Gardens, Valencia, Quezon City, kung saan nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gelli.

Pagkatapos ng Face The People ay isa na namang public service program ang ibinigay ng TV5 kay Gelli. Ayaw niya na bang umarte o mag-drama?

Sabi niya, “Gusto ko.

“Gusto ko, pero last year I did Confessions of A Torpe with Ogie [Alcasid]. It’s a drama and a comedy.

“So, nag-drama ako, nag-comedy ako. So, pasok.

“’Tapos puro talk show ako ngayon.

“Alam ko may darating. Pero ‘pag dumating, e, di dumating.”

HAPPY WITH TV5. Bakit naging magaan sa kanya ang pakikipagtrabaho sa TV5?

Pahayag ng 41-year-old Kapatid star, “Ewan ko…

"Pero sa totoo lang, nung nandito ako, siyempre I got to do a lot of things that I never get to do before.

“Siguro it came with age and the time.

“So, I was given a chance to host. Nakaya ko naman ang mag-host na hindi lang variety show, na parang ganito [public service], na kaya ko pala.

“So, nag-e-enjoy ako dahil marami akong natututunan.”

Mas naramdaman ba niyang importante siya at matatawag na “reyna” sa TV5?

Paglilinaw ni Gelli, “Hindi sa ganun, pero mas kailangan nila ako, e…

“I mean, hindi sa mas kailangan nila ako dahil they can get any host, ‘no?

“They give me work, e. I go where there’s work.”

Sumang-ayon naman si Gelli sa komento naming mas maganda siya ngayon at hindi siya mukhang stressed.

Sabi ng TV host-actress, “E, kasi, ‘di ba, I’m not that age na hindi na ako hayok sa kailangan sikat.

“Ako, parang i-enjoy ko ang trabaho ko, masaya naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya naman dito, happy ako dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN