Alden Richards proud about latest investment: a five-bedroom house!

Sa June makakalipat sa bago niyang bahay si Alden Richards. Sa February daw niya sisimulang ipa-renovate ito.


May bagong bahay si Alden Richards!

Ibinalita ito ng Kapuso actor nang tanungin namin siya sa press launch ng Boardwalk noong January 13 kung ano ang kasalukyan niyang pinagkakaabalahan.

Natapos ang serye niyang Ilustrado noong November 2013, habang ang Bet Ng Bayan, kung saan co-host siya ni Regine Velasquez, ay nag-ere ng final episode noong December 28.

“Kasi isang oras na block ng GMA, puro mukha ko po ang lumalabas, so pahinga muna.

"Okay naman po sa akin yung pahinga po muna 'tapos second quarter na po yung soap ulit.”

Saka niya binanggit ang tungkol sa bago niyang bahay malapit sa Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna.

“Nakabili po ako ng bahay ngayon, last month.”

Hindi na raw ito binabaha na tulad ng bahay dati nina Alden sa Sta. Rosa rin.

“Hindi na po, naku!

“Nabili ko po siyang gawa na, very cheap, at saka maganda yung deal po kasi, e.”

AMOUNT. Magkano ang bili niya sa kanyang five-bedroom house na may laking three hundred square meters? More than five million ba ito?

Nagalanganin munang sumagot ang aktor bago sabihing, “Less po, natawaran ko pa 'tapos all-in po, kasama na po lahat ng expenses.

“Kasi po usually po, when you buy properties, shoulder ng buyer yung transfer tax, yung pag-transfer ng titulo sa pangalan mo, capital gains, documentary stamp.

"So lahat po yun sinagot nila, na hindi ko naman po sinuggest. Kumbaga, all-in na po 'yan!’”

Ka-close ba niya ang may-ari kaya mura niyang nabili ang naturang bahay?

“Hindi nga po e,” at tumawa si Alden. Sabi ko, ‘May artista na po bang tumingin dito?’ ‘Wala, ikaw lang.’

“So baka napapayag ko. Taga-Japan po ito pero yung kapatid niya dito, may SPA, Special Power of Attorney, so puwedeng sa kanya na ako makipag-deal directly.”

Cash ba niya binili ang bahay?

“Po? Sakto lang po, slowly po, slowly,” ang tanging sagot niya na tawa nang tawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa June titirhan ni Alden ang bgao niyang bahay.

“Kasi papa-renovate ko pa po, e.”

Nasa proseso na rin daw ang paglilipat sa pangalan niya ng titulo ng bahay.

Ang nararamdaman ni Alden ngayong may bago na siyang bahay, “Masarap po yung feeling kasi alam ko po kung paano bahain yung bahay, na naghihintay ka na lang lumubog.

"So 'tapos nagre-rent po kami e sabi ko, nag-usap-usap po kami ng family, sabi ko, ‘Okay lang naman ako na magbayad ng medyo mahal ng konti basta yung titirahan natin, atin na.’

“Hindi na po kami kakaba-kaba na, ang hirap din po kasing tumira sa bahay na hindi sa iyo e 'tsaka po binabaha.

“So iyon po, very happy, at least, mas mapapalagay na po yung lolo’t lola ko kasi mas malaki po ngayon yung gagalawan nila.”

Christmas gift ni Alden sa kanyang pamilya at birthday and anniversary gift sa kanyang sarili ang naturang bahay.

“Kasi ako po, basta masaya lang lahat ng taong mahal ko, masaya na po ako dun.”

Apat na taon na si Alden sa showbiz. Dahil sa kanyang bagong bahay ay lalong ganado at inspirado si Alden na magtrabahong mabuti.

“'Tsaka mas maging down-to-earth kasi siyempre minahal naman po ako ng mga tao kung ano ako before. So kung ano ako before, wala pong magbabago dun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa Luxent Hotel, kung saan rumampa rin sa mini-fashion show ng Boardwalk ang mga bagong endorsers na sina Janine Gutierrez, Rich Asuncion, Kim Rodriguez, Juancho Trivino, Jeric Gonzales, at Thea Tolentino.

Si Alden ang mukha para sa Artiste collection for men.

Pahabol na tanong namin, "Bakit hindi niya inisip na sa halip na bahay kasama ang buong pamilya niya sa Laguna ay manirahan siya nang solo sa isang condo unit sa Manila tulad ng ibang artista?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron naman po diyan sa Eastwood pero kumbaga, sa akin at sa pinsan kong babae. Sa amin na po yun, hati po kami. Pero bihirang-bihira ko pong uwian, hindi po masyado.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN