Vina Morales ready to be in a relationship: “Napaghuhuli na ako.”

“Gusto kong malaglag sa higaan,” Vina Morales laughs as she relates to reporters that her daughter Ceana is already praying for a baby brother or baby sister.


“I'm ready to have a relationship.”

Ito ang pahayag ni Vina Morales nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita noong Martes, January 13.

Biro pa ni Vina, “Napaghuhuli na ako.”

Para sa Kapamilya singer-actress handa na raw siyang pumasok muli sa isang relasyon matapos ang anim na taong pagiging single.

“Emotionally, I'm ready na,” aniya.

“You know, nangyayari sa tao 'yon, di ba? If two years from now, kung 'di pa ako ready, wala, e. Kung close pa rin ang pag-iisip ko, ang nararamdaman ko.

“It's just the right timing. Parang gusto ko rin naman na may makilala.”

Nang tanungin kung ano ang katangiang gusto niyang makita sa magiging karelasyon niya kung sakali, sagot ni Vina, “Alam mo, ayaw ko na ngang mag-ano, na dapat ganito-ganyan kasi it will just happen.

“You know, the spark will just start kapag nandiyan 'yon.

“Ayaw ko nang maglista na kailangang ganito, kailangan ganun.

“Kasi, I've been through a lot, parang mahirap yata na magsalita ng ganun.

“I've gone through a lot, and I'm also a single mom, mahirap maglista.

“I just pray and I'm sure that it's gonna be coming from God kasi 'yon naman talaga ang pinagpe-pray ko at the right time.”

Gayunman, sigurado siya na ayaw niya ng kapwa showbiz personality ang magiging karelasyon niya.

Katuwiran ni Vina, “Medyo careful ako diyan. Parang I want someone naman na who's not from showbiz.

“Pero if there's someone out there na magki-click kami, bakit hindi? Pero wala akong nakikita ngayon.”

FRIENDSHIP WITH ROBIN. Matatandaan na na-link noon si Vina kina Keempee de Leon at Robin Padilla.

Dahil muli silang nagsama ni Robin sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo, hindi naiwasan ng ibang reporters na tanungin si Vina kung may naibalik na pagmamahalan sa dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro pa siya na pwede naman daw kahit kasal na si Robin kay Mariel Rodriguez dahil Muslim naman daw ang aktor.

Pero agad na nilinaw ni Vina, “ Honestly, Robin and I really became really good friends.

“Hindi ko maiisip siguro at this moment to be his partner, no.

“I'm really happy for him kung anuman ang nangyayari sa buhay niya ngayon. I think he should stay that way.”

CEANA'S PRAYER. Samantala, tila mas nakadagdag sa pressure na magkaroon ulit ng karelasyon si Vina ang panalangin ng kanyang five-year-old daughter na si Ceana.

“Nagpe-pray na nga ng baby brother or baby sister!” natatawang ibinahagi ni Vina.

“Kasi when we pray, before we got to bed, talagang we pray it out loud.

“Kung ano ang ipe-pray ko, naririnig niya.

“Ang pinagpe-pray niya, 'Papa Jesus, I want to have a baby sister and a baby brother.'

“Sabi ko, gusto kong malaglag sa higaan.

“Sabi ko,'Anak, mommy has to find a husband first.'”

Sa huli, inulit ni Vina na sa tingin niya ay handa na muli siyang makipagrelasyon, “Kasi parang mas magaan na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN