BB Gandanghari optimistic that brothers Robin and Rommel Padilla will approve of her having a boyfriend in due time: “I’m very positive.”

BB Gandanghari is optimistic that brothers Robin and Rommel Padilla will approve of her having a boyfriend in due time: “I’m sure naman darating ang panahon na kapag may ipakikilala ko sa kanila, it will be okey. I’m very positive.”


Matapos ang maraming taon mula nang magsama sila sa action film na Mistah under Viva Films noong 1994 ay muling nagkasama sa isang acting project via the newest TV5 sitcom na 2 ½ Daddies ang magkakapatid na sina Robin Padilla, Rommel Padilla, at si BB Gandanghari, na dati’y kilala bilang si Rustom Padilla.

Sa nasabing sitcom, tila tanggap na nga nina Robin at Rommel ang pagkatao ni BB na noong una’y tinutulan ni Robin dahil nanatili pa rin sa kanyang kamalayan ang imahe ni Rustom.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay BB matapos ang introduction sa cast ng kanilang sitcom kaugnay sa press launching ng Kapatid network sa kanilang mga bagong shows na ginanap sa Sampaguita Gardens Events Place noong Martes, January 13, sinabi ng transgender actress na hindi naging madali para sa kanya na ilapit sa mga kapatid ang kasalukuyang kasarian.

Saad niya, “It’s really a process pero papunta doon every day, everytime na nagkikita kami it’s getting better and better.”

ESTABLISHING BB'S NEW IDENTITY. Paano ang ginawa niyang paglapit ng kanyang bagong identity sa kanyang mga kapatid?

“Parang natural lang, nagpakilala lang ako bilang si BB.

“Parang gano'n ang sinabi sa akin ng friend ko noon. Sinabi ko sa kanya na, 'Parang nahihirapan akong kumonek.' Sabi niya, 'Ikaw lang naman ang nagsasabi na Rustom is dead.'

“So kailangan nilang makilala si BB. So yun ang pumasok sa isip ko na everytime na nagpapakita ako, nakikilala nila ako.

“So ngayon sinasabi nila na parang sa taping, ‘Ay, iba na nga.’ So mula no'ng nagtrabaho kami, nakita nila yung difference, kasi luka-luka ako ngayon, e. Kasi hindi nila nakita kay Rustom yun.

“So ngayon nakikita nila yung kung ano ako ngayon.

“Si Rustom kasi worrier yun, e. Hindi nagsasalita, tahimik..

“So nakita nila na parang ibang-iba na nga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya inunti-unti na ipaintindi kay Robin ang kaibahan ni BB sa dating Rustom?

“Wala. Si Robin naman... sila naman everytime na makikita nila ako wala namang violent reaction.

“Dinalasan ko yung pagpunta sa kanila, parang ganyan. Until parang hanggang sa... kung yun ang tamang word—nagkapalagayan ng loob. Parang gano'n.”

LOVE LIFE. Ngayong tanggap na ng kanyang mga kapatid ang pagkatao niya, paano naman ang aspetong pag-ibig niya? Nababanggit na ba ito ni BB sa kanyang mga kapatid na kailangan rin niyang magkaroon ng boyfriend?

“Wala pa. Wala pa tayo sa gano'n. Hindi pa nila masyadong... wala pa sa gano'ng punto. Hindi ko pa gaanong...

“Siguro step by step. Sa kanila [Robin and Rommel] nanggaling na, 'Kapag dumating mapipigilan ba naman namin 'yan?'

“Pero wala pa. Huwag mo muna kaming kuwentuhan,” na ang tinutukoy niya ang posibleng maging reaksyon ng kanyang mga kapatid.

WILL BROTHERS APPROVE OF BF? Ang sabi ni Robin sa kanyang mga interviews, wala siyang magagawa kung magbu-boyfriend ang kapatid pero huwag lang daw ito ipapakilala sa kanya.

Nangingiting komento ni BB, “I’m sure naman darating ang panahon na kapag may ipakikilala ko sa kanila, it will be okay. I’m very positive.”

Meron na ba siyang napupusuan sa ngayon?

Mabilis niyang tanggi, “Wala nga, e. Kaya siguro hindi rin naman ako nagbabanggit kasi wala rin naman akong ipapakilala. Okey lang.”

NEW SITCOM. Samantala, inalam ng PEP kay BB kung bakit pumayag na siya finally na magsama sila ng kanyang mga kapatid sa isang TV project.

Sa kuwento ni Robin dati, sa tuwing may ilalatag siyang proyektong pagsasamahan nila ni BB, lagi itong umaalis ng bansa kaya naman nabubuwisit siya minsan sa nakatatandang kapatid.

Paliwanag ni BB, “Hindi naman. Kaya lang... bakit nga ba nangyayari yung gano'n? Siguro hindi lang nabubuo nang mabuti yung konsepto kaya hindi nagkakatuluyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But this one, nagkataon na lahat kami parang sold sa konsepto. Lahat okey. 'Tapos maganda naman lumabas yung script.

“Happy ako. I’m very happy sa taping namin kung paano dini-develop yung characters. Katulad nga sinasabi ko kanina parang naalala ko yung Mistah.

“Yun nga lang action naman yun. Pero parang magkakapatid na nagbabarilan, naglalaro ng barilan. Ito [sitcom] para kaming bumalik sa pagkabata na nagkakaasaran.”

Brainchild ba ni Robin ang show na ito?

“Hindi. Actually, kami ni Omeng [Rommel]. 'Tapos kinuwento namin sa kanya [Robin], nagustuhan niya. 'Tapos 'ayun na.”

Masasabi ba ni BB na isa ito sa mga dear projects niya?

“Oh, yes, lalo na ngayon nakapag-taping na kami at iba talaga ang experience,” pagmamalaki niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN