Alden Richards to attend Rotterdam International Film Festival with Nora Aunor

Alden Richards is excited about traveling to Europe for the first time to attend the prestigious Rotterdam International Film Festival, with no less than the Superstar herself, Nora Aunor: “I am thankful na naimbitahan ang Kinabukasan at dasal naming lahat na ma-receive ito nang maganda ’tulad sa pag-receive nito sa Vietnam last year.”


Lilipad patungong the Netherlands si Alden Richards on January 24 kasama si Nora Aunor para um-attend sa prestigious Rotterdam International Film Festival.

Naimbitahan kasi ang short film na ginawa nila titled Kinabukasan na dinirek ni Adolf Alix.

One week daw sila roon at hindi ma-describe ang excitement ni Alden dahil first time niyang makakabiyahe sa Europe.

“Excited na po akong mag-selfie-selfie doon!” masayang balita pa ni Alden nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch niya with other Kapuso stars as celebrity endorsers ng fashion retail brand na Boardwalk last January 13 sa Luxent Hotel in Quezon City.

“Amsterdam po muna kami, 'tapos we will travel to Rotterdam kaya maraming chance para sa mga selfies. Iha-hashtag ko, #FirstTimeInNetherlands

“I am thankful na naimbitahan ang Kinabukasan at dasal naming lahat na ma-receive ito nang maganda 'tulad sa pag-receive nito sa Vietnam last year.

“One week lang kami roon and enough time na iyon for sight-seeing. Balik namin ay sa February 2,” dagdag pa niya.

NEW HOUSE. Kailanganng makabalik din agad si Alden dahil inaasikaso niya ang bago niyang biling bahay na malapit sa Nuvali Santa Rosa, Laguna.

“Malapit na malapit po siya sa Tagaytay kaya ang ganda ng lugar. Napakatahimik.

“The house has five bedrooms at malaki ang kinatatayuan niyang lote. Balak kong magpagawa ng magandang garden para sa lola ko.

“Nag-effort talaga kami ng kaibigan kong real estate agent para makahanap kami ng magandang bahay na hindi masyadong kamahalan pero nasa safe na lugar. Yung hindi babahain kapag may malakas na ulan.

“Sumasama talaga ako sa mga trippings kasi kasi ayoko naman na iasa lang siya sa ibang tao. Gusto ko rin makita yung mga bahay at nakipag-usap ako nang personal sa mga may-ari.

“Ilang bahay din ang pinuntahan namin until may nakita kami at maayos naming napagkasunduan ang presyo,” ngiti pa ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RENOVATING OLD HOUSE. Yung dating bahay nina Alden ay plano niyang ipa-renovate at paupahan na lang.

“Kahit na luma na ang house namin doon, may sentimental value sa amin iyon.

“Doon po kasi ako lumaki talaga at nakakalungkot naman kung bibitawan namin. Maraming memories ang house na iyon, lalo na noong buhay pa ang mother ko.

“Kaya plano ko pong ayusin lahat ng mga kailangang bayaran sa bahay, ipa-renovate at pa-rent na lang namin. At least parang sa amin pa rin yung bahay kahit hindi na kami doon nakatira.”

NEW PROJECTS FOR 2015. Maganda ang pasok ng 2015 para kay Alden dahil nagkaroon siya ng bagong endorsement. Isa siya sa mga bagong celebrity endorsers ng Boardwalk at siya ang nasa cover ng 2015 catalog nito.

Wala pang bagong TV show si Alden after na magkasunod na matapos ang Bet Ng Bayan at Ilustrado.

“In the works na raw po ang mga susunod kong gagawin. Dasal ko po na mas maraming projects this year at makagawa pa ako ng mas maraming charity work.

“Just like what I did noong birthday ko last January 2, nag-charity work po ako for Habitat For Humanities kasi kinuha po nila akong isa sa mga ambassadors nila.

“Masarap po ang feeling na marami kang mapapasayang tao and you are working hard for them to have a better life,” lahad niya.

WISHES LOVELIFE FOR DAD. Ayaw ngang mag-wish para sa sarili niyang lovelife si Alden, mas gusto raw niyang magkaroon ng lovelife ay ang kanyang ama na si Richard Fulkerson, Sr.

“Mas wini-wish ko na magkaroon ng girlfriend na si Daddy.

“Lagi kong sinasabi sa kanya na okey lang na magkaroon na ng kapalit si Mommy kasi gusto naming maging masaya siya.

“Basta ang pipiliin niya ay magiging mabait sa aming magkakapatid at yung mamahalin siya nang totoo.

“Pero mukhang ayaw na ni Daddy na ma-in love ulit. Tama na raw na isang babae ang minahal niya at iyon ay si Mommy lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tama na raw yung nakikita niya kaming magkakapatid na masaya at magkakasama. Happy na raw siya sa gano’n,” kuwento pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN