#PopeFrancisPH: Kris Aquino and kids join PNoy in Pope Francis’s concluding Mass in Manila

Kris Aquino resisted the urge to take pictures during concluding Mass of Pope Francis at the Quirino Grandstand in Manila. But she did take pictures before the Mass and posted them much later on Instagram. “Picture was taken before Mass started. I really obeyed when it was announced that no pictures please, during Mass,” she posted on Instagram.


Kasama ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang mga kapatid na sina Pinky Aquino-Abellada, Ballsy Aquino-Cruz, at Kris Aquino sa concluding Mass ni Pope Francis sa Quirino Grandstand sa Manila kanina, January 18.

Kasama rin ni Kris ang kanyang mga anak na sina Bimby at Josh.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Kris ang kuha niya sa kanyang mga anak kasama ang kanilang tiyuhing si PNoy.

Dahil may utos na bawal ang mag-picture habang nagmimisa, nilinaw ni Kris sa caption: “Picture was taken before Mass started.

“I really obeyed when it was announced that no pictures please during Mass.”

Dagdag pang sabi niya tungkol sa larawan ng tatlo, “When I was about to take the picture PNoy said, 'Instagram na naman?' I said please pagbigyan na ko, super cute naman the 3 of them, and it's a mother's joy to take pics of her sons.

“And anyway no signal in Luneta, so late upload.

“After the Mass, when Pope Francis was waving from the Popemobile, Bimb said: "Thank You God, this was the best experience ever." ?#PapaFranciscoMahalngPilipino#PopeFrancisisourSunshine.”

Noong Huwebes nakita nang personal ni Kris si Pope Francis sa ikalawang pagkakataon.

Inilarawan ito ng TV host-actress bilang isang “once in a lifetime moment.”

Una niyang nakita ang Santo Papa nang magtungo sila sa Vatican noong 2013.

Read: #PopeFrancisPH: Kris Aquino meets Pope Francis for the second time


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN