Dominic Ochoa compares showbiz newbies then and now: "Ngayon, kailangan multi-talented ka... pero mas malaki ang kinikita nila.”&

Compared to his heyday, Dominic Ochoa feels that today’s breed of showbiz upstarts face tougher competition: “There’s stiffer competition, so kailangan mong mag-standout dun sa competition na yun, kundi kakainin at lalamunin ka nang buhay. ”


Dating teen star si Dominic Ochoa na ngayon ay gumaganap ng ama sa mga ABS-CBN teleserye, katulad ng umeere ngayong Oh My G! na pinagbibidahan ni Janella Salvador.

Nandito rin ang teen stars na sina Marlo Mortel at Manolo Pedrosa.

Dahil halos puro teens ang katrabaho niya ngayon, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic kung ano ang pagkakaiba ng teen stars noon at ngayon.

Saad niya, “Hindi naman sa hindi kami seryoso sa trabaho namin noon, but there’s a lot of competition now, e.

“In terms of yung trabaho nila... ngayon, kailangan marunong kang sumayaw, kailangan multi-talented ka.”

Noon ba ay hindi kailangan ang pagiging multi-talented?

“Oo, pero hindi naman ako marunong sumayaw, pakapalan lang ng mukha.

“Pero ngayon, kailangan mo talagang aralin lahat.

"So, I think that’s the difference now.

“There’s stiffer competition so kailangan mong mag-standout dun sa competition na yun, kundi kakainin at lalamunin ka nang buhay."


THEN & NOW. Sa palagay niya, alin ang mas maganda—yung panahon nila noon o yung ngayon?

Sagot ni Dominic, “More relaxed yung dati. Konti lang yung pagpipilian, ngayon marami.

“Pero, in a way, maganda yung may kakumpitensiya.

"Kasi kung may kakumpitensiya ka, you will strive more.

“Pero kung... mas masakit din, mas maganda, pero masakit din.

"Kasi, even if you’re doing you’re best, 'tapos hindi rin naman tinanggap, mas masakit din, may pros and cons, e.

“Happy na rin ako dun sa nag-umpisa ako dati.

"'Tsaka ang diperensiya ngayon, mas malaki ang suweldo nila!" at tumawa si Dominic.

Pero sabi namin kay Dominic, malaki rin naman ang gastos ng mga artista ngayon.

Pagsang-ayon niya, “Sabagay, kasi dati, we didn’t spend too much on make-up, the clothes.

“Ngayon, talagang gumagastos yung mga tao.

"For ASAP, they pay like ten grand for make-up or something, 'di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, maraming pros and cons, pero mas malaki siguro ang kinikita nila, yun nga."

Kuwento pa ng Kapamilya actor, “One time, may kausap nga ako, parang yung tinrabaho namin ng sampung taon, tinatrabaho lang nila ng dalawa, tatlong taon, e!

“Kinita lang nila ng three years, so kanya-kanya.

“Parang we just have to, kumbaga, be thankful, imbibe mo na lang yung success nila and yung naging success mo dati.”


HAPPY FOR JOLINA AND MARVIN. Halos kapanabayan ni Dominic sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, na parehong umalis sa ABS-CBN at ngayon ay muling nagbalik bilang mga Kapamilya.

“They were ahead of me by two batches [in Star Circle],” banggit ni Dominic.

Maraming beses nakatrabaho ni Dominic ang dalawa dati.

“Nag-Labs Ko Si Babes ako kasama ko sila. My first three movies were with them,” pagbabalik-tanaw niya.

Ano ang masasabi niya sa pagbabalik ng dalawa sa ABS?

Ani Dominic, “I’m thankful!

"Actually, kausap ko si Jolina at yung asawa niya, si Mark [Escueta], nung Sunday sa ASAP. Si Marvin, kausap ko rin.

“So, iyon, nakakatuwa naman nagkita kayo.

"Parang kailan lang, pero kung tutuusin, that was, what, fifteen years ago? Ganun katagal!

“Ganun katagal pero ganun kabilis ang panahon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT




COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN