Julia Barretto thankful to supporters “for not being so quick to judge”

Malaki ang pasasalamat ni Julia Barretto sa kanyang mga tagahanga dahil sa hindi paghusga agad ng mga ito sa kanya.


Nagsalita na rin sa wakas si Julia Barretto tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya sa diumano’y pang-iisnab niya sa sariling ama na si Dennis Padilla noong December 14, 2014, sa Christmas party ng Dreamscape ng ABS-CBN.

Ang Dreamscape ay ang drama unit ni Deo Endrinal, kung saan kabilang ang Mirabella, na pinagbidahan ni Julia, at ang Ikaw Lamang, kung saan bahagi si Dennis.

Read: PEP EXCLUSIVE. Dennis Padilla snubbed by daughter Julia Barretto in a Christmas party

Biyernes, January 16, sa pamamagitan ng isang Twitpic (Twitter picture), ipinaabot ni Julia sa kanyang followers ang pasasalamat niya sa hindi paghusga agad ng mga ito sa kanya.

Nagpasalamat din ang Kapamilya young actress sa mga taong nakinig at inintindi ang kanyang panig, sa pamamagitan ng eksklusibong panayam ng kanyang inang si Marjorie Barretto sa PEP.

Read: PEP EXCLUSIVE. Marjorie Barretto speaks up about snubbing incident between daughter Julia and ex-husband Dennis Padilla

Narito ang kabuuang tweet ni Julia (@BarrettoJulia):


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN