Empress Schuck no great expectations on her return to GMA

Empress Schuck on leaving ABS-CBN and returning to GMA: “Imagine, nag-start ako sa GMA, pero nagtagal ako sa ABS. Parang school lang ‘yan, ‘di ba? Lilipat ka ng school, iisipin mo kung, ‘Mas makakabuti kaya?’ Siyempre, bagong tao. Although, may mga konti akong kilala, pero ilang taon na ang lumipas.”


Wala raw expectations si Empress Shuck sa muli niyang paggawa ng proyekto sa bakuran ng GMA Network.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala akong expectation or anything.

“Kasi, ‘di ba, kapag marami kang expectation, baka ma-disappoint ka?

“Kapag wala, mas okay.”

Aminado naman si Empress na noong nasa ABS-CBN siya ay umasa siyang talaga.

“Doon, nag-expect ako!” natatawang sabi niya.

Napatanong din daw siya sa sarili kung may mga naging pagkakamali o pagkukulang ba siya.

“Ang dami… may kulang ba sa acting ko, may kulang ba sa hitsura ko, may kulang ba sa pananamit ko?

“Ilalahat mo kasi hindi mo naman sila puwedeng sisihin.

“Parang mas masisisi mo yung sarili mo kaya parang nada-down ka.

“Pero wala, e, marami talagang competition.

“Sa showbiz, marami talagang competition.”

THE BIG MOVE. Sinabi rin ni Empress na bago siya umalis ng ABS-CBN ay naghintay muna siya kung ano ang proyektong ibibigay sa kanya.

Umamin din siyang may pagkakataong umiyak siya dahil sa kawalan ng proyekto.

Pero tiniyak naman niyang nakapagpaalam siya nang maayos sa ABS-CBN at pinayagan siyang gumawa muna sa GMA.

Pinag-isipan din daw niya nang husto ang desisyong lumipat muna ng network.

Saad ni Empress, “Doon ako lumaki, sa ABS. Although, I started here in GMA.

“Imagine, nag-start ako sa GMA, pero nagtagal ako sa ABS.

“Parang school lang ‘yan, ‘di ba? Lilipat ka ng school, iisipin mo kung, ‘Mas makakabuti kaya?’

“Siyempre, bagong tao.

“Although, may mga konti akong kilala, pero ilang taon na ang lumipas.”

Natuwa nga raw siya nang malamang makakasama niya si Max Collins sa unang proyekto niya sa pagbabalik niya sa GMA, dahil galing din ito sa Kapamilya network.

“Sobrang bait niya, hindi pa rin siya nagbabago,” sabi ni Empress tungkol kay Max.

PER SHOW CONTRACT. Ngunit nilinaw ni Empress na hindi network contract ang pinirmahan niya sa GMA, kundi per show lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang siya sa cast ng upcoming afternoon soap na Kailan Tama Ang Mali?, kasama sina Max, Gabby Eigenmann, at Dion Ignacio.

Tinitimpla ba muna niya kung magiging okey siya sa GMA bago siya pumirma ng kontrata?

Paliwanag ni Empress, “Actually, si Tita Becky [Aguila, her manager] kasi, siya ang nagde-decide.

“Pero sa tingin ko, okey na rin naman ang freelance.

“We’ll see kung may iba pang mangyayari.

“Kung o-offer-an nila ako ng contract, pag-uusapan pa rin naman.

“Right now, ito ang ibinigay nila sa akin, siguro ito rin naman ang mabuti for now.”

Wala naman daw magiging problema kay Empress kung kailangan niyang magpaseksi sa mga eksena.

Katuwiran niya, “Nag-FHM na ako, nakagawa na rin ako ng mga kissing scenes, so masasabi kong mas okey na ako ngayon.

“Magtu-twenty-two na rin ako.

“Pero dati talaga, hindi. Ngayon lang talaga ako nagiging open.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN