German Moreno released from hospital, now recovering at home

Pagkatapos ng mahigit dalawang linggong pagkaka-confine dahil sa mild stroke, na-discharge na sa hospital ang veteran TV host na si German “Kuya Germs” Moreno noong Sabado, January 17.


Pagkatapos ng mahigit dalawang linggong pagkaka-confine dahil sa mild stroke, na-discharge na sa hospital ang veteran TV host na si German “Kuya Germs” Moreno noong Sabado, January 17.

Ayon sa salaysay ng personal secretary ni Kuya Germs na si Chuchie Fajardo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong Lunes, January 19, “Nakauwi na siya sa bahay niya at nagpapagaling na lang.

“Pero tuluy-tuloy pa rin ang therapy niya para mas mapabilis ang paggaling niya.

“Hiling lang namin sa iba pang nagmamahal kay Kuya Germs na ipagpatuloy lang ang pagdarasal para gumaling na siya.”

Tinanong din ng PEP kay Chuchie kung tuloy ang planong pagpunta ng Master Showman sa Amerika upang doon magpagaling.

Sagot niya, “Hindi ko alam kay Freddie [Federico Moreno, anak ni Kuya Germs]…

“Last time, nung nasa hospital pa si Kuya Germs, yun yung nabanggit niya.

“Pero sa ngayon, hindi pa namin alam kung matutuloy yung planong sa Amerika magpapagaling si Kuya Germs or dito na lang sa bansa.”


PRAYER TO POPE FRANCIS. Samantala, ipinagdasal din daw nila ang paggaling ni Kuya Germs nang bumisita dito sa Pilipinas si Pope Francis.

Kuwento ni Chuchie, “Nung Sunday [January 18], pumunta kami sa Roxas Boulevard, kasama ko si Carmelites [isa pang secretary ni Kuya Germs], kahit maraming tao.

“Bale dun na lang kami nagdaan sa malapit sa Manila Zoo dahil sa dami ng tao. Pero dun din naman dadaan yung motorcade ni Pope Francis.

“Dala-dala ni Carmelites yung picture ni Kuya Germs.

“At nung dumaan sa mismong harap namin si Pope Francis, itinaas ni Carmelites yung picture ni Kuya Germs at sinabi namin, ‘Please pray for Kuya Germs and pagalingin niyo siya,’ habang nakatingin sa amin si Pope Francis.

“Alam namin na narinig ni Pope yung isinisigaw namin dahil nakatingin siya.”

VISITORS. Nabanggit din ni Chuchie na kabilang sa mga bumisita kay Germs bago siya lumabas sa St. Luke’s Hospital, sa Quezon City, ay ang mga anak-anakan nitong sina Sharon Cuneta at Sheryl Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa rin si Chuchie at iba pang staff ni Kuya Germs na maging mabilis ang paggaling nito nang sa ganun ay makabalik na ito sa kanyang mga programa sa telebisyon at radyo.

Iba raw kasi kapag nandun ang Master Showman dahil nakakahawa ang energy nito na animo’y walang kapaguran at laging on the go.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN