Ai-Ai delas Alas on renewed friendship with Kris Aquino: “Past is past. Lahat tayo ay be positive.”

Hindi masyadong nagkukuwento si Ai-Ai delas Alas tungkol sa pagbabati nila ng nakaalitang kaibigang si Kris Aquino. Pero ayon sa Comedy Concert Queen, masaya siyang wala na siyang nakakasamaan ng loob.


Maganda ang naging pasok ng taong 2015 sa Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas dahil nagkaayos na sila ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Nangyari ang pagbabati ng dalawa sa kasalang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City, noong December 30, 2014.

Si Kris ang gumawa ng unang hakbang upang magkabati na sila ng nakatampuhang kaibigan.

Read: Kris Aquino makes the first move to make peace with Ai-Ai delas Alas

Nag-ugat ang tampuhan ng dalawa, noong 2013, nang pumanaw ang ina ni Ai-Ai ngunit hindi man lang siya napadalhan ng mensahe ng pakikiramay ng tinatawag pa niyang “friendship” na si Kris.


“PAST IS PAST.” Sa presscon ng kanyang upcoming concert na Ai Heart Papa ngayong Miyerkules, January 21, sinabi ni Ai-Ai na maganda na ang nangyari dahil ayaw niya ng may nakakatampuhan.

Gaano ba siya kasaya na isang tinik sa dibdib ang nawala sa kanya?

Pabirong sagot ni Ai-Ai, “Tinik ba yun?

“Okay lang, okay lang naman.

"Hangga’t maaari, okay na yun, huwag nang pag-usapan pa.

“Past is past. Lahat tayo ay be positive.”

Sa nangyaring pagbabati ng dalawa, binigyan siya ni Kris ng regalong kuwintas na may pendant ng imahe ni Mama Mary.

Parehong deboto ng Mahal na Birhen sina Ai-Ai at Kris.

Saan na yung gift na yun ni Kris?

Ayon kay Ai-Ai, “Nandoon na kay Mama Mary.”

Pero masaya ba siya sa nangyaring pagbabati nila?

Sagot ng 50-year-old actress-singer, “Oo, siyempre naman.

“Sino ba naman ang may gusto na meron kang katampuhan?

“Okay na yun, maganda na yung lahat tayo ay happy and positive.”

Back to normal na ba ang dati nilang pagkakaibigan at samahan?

Sagot ni Ai-Ai, “A, hangga’t maaari, sinabi ko na ayaw ko nang pag-usapan.”


BACK TO THE CONCERT SCENE. Nakilala nang husto si Ai-Ai delas Alas sa concert stage. Pero nang maging abala siya sa mga teleserye at pelikula, bihira na lamang siyang mag-concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ngayong taon daw, magiging busy siyang muli sa pagku-concert.

Nakangiti niyang saad, “Para busy ako at saka, 'di ba, sinabi ko nga na gusto kong bumalik sa dati kong roots?

"Kasi ngayon ang 25thyear ko, this year.

“Nauna muna talagang maging… modesty aside, yung pagiging Comedy Concert Queen.

"So, nagsimula talaga ako sa concert, so babalik ako sa concert.

“Marami. Itong medyo maliit 'tapos dalawa yung malaki.

"Pero yung isa, about yung kay Mama Mary.

"And yung susunod sa November, yung 25 years ko in the business concert.

“Na-miss ko talaga yung concert scene, kasi ang tagal kong hindi nag-concert.

"Parang naano ako sa mga movies, sa soap opera."

Ang Ai Heart Papa concert ni Ai-Ai, kung saan special guest niya si Richard Yap, ay gaganapin sa Solaire Theater sa February 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN