Angelica Panganiban to Noranians: "Hayaan na lang nila sana na i-enjoy ko ang moment na ito."

Angelica Panganiban on winning Best Actress: “I guess maganda rin yung ‘di ko pinapaikot ang mundo ko sa mga nakukuha kong achievements. Natutuwa ako, napa-flatter ako, malaking bagay siya. Pero baka ‘pag pinasok ko na siya masyado sa kukote ko, e, mag-iba na ang takbo ni Angelica. Baka lumaki ang ulo ko na ‘di maganda yun.”


Sa kabila ng pambabatikos na natatanggap ni Angelica Panganiban mula sa Noranians dahil sa pagkaka-tie nila ni Nora Aunor bilang Best Actress sa Gawad Tanglaw, nakiusap ang Kapamilya actress na sana ay hayaan na lang siyang i-enjoy ang nakamit na karangalan.

Nagwagi si Nora para sa pagganap niya sa Dementia, habang si Angelica ay nagwagi para sa That Thing Called Tadhana.

Sumang-ayon ang Kapamilya actress sa opinyon ng mga masugid na tagahanga ng Superstar na marami pa siyang kakaining bigas bago mapantayan ang kanilang idolo.

Pahayag ni Angelica, “Totoo naman kasi yung sinasabi nila, nababasa ko kasi.

“Si Ate Guy, ‘di kinakailangang madaldal sa pelikula.

“Totoo naman, naniniwala naman ako sa inyo. Hindi ako kokontra.”

Pero dagdag niya, “Hindi ko rin naman kasalanan na nanalo ako kasama ni Ate Guy.

“Sana hayaan na lang nila na i-enjoy ko.

“Hindi ko rin naman sinasabi na ako na yung bagong Ate Guy, wala namang ganun, ‘di ba?

“Hayaan na lang nila sana na i-enjoy ko ang moment na ito.

“I’m sure si Ate Guy, masayang-masaya para sa akin.

“Nagpapasalamat ako kasi napaka-rare ng ganitong pagkakataon sa career ng isang artista na makatabi mo man lang ang pangalan ni Ate Guy.

“Yun pa lang, malaking award na yun para sa akin, hindi ko na kailangan ng trophy.

“Saka Noranian at Vilmanian ako, fan ako ng dalawa dahil icon ang mga ‘yan, icons sila sa industriya.”

Hindi ba siya nakakaramdam ng pressure na sa pagkapanalo niya bilang Best Actress, lalo’t ka-tie pa niya ang Superstar, dapat sa mga susunod na proyekto ay mas maipakita niya ang husay sa pag-arte?

Natatawang sagot ni Angelica, “Pressure naman tuloy ako bigla!

“Hindi, hindi talaga…

“I guess maganda rin yung ‘di ko pinapaikot ang mundo ko sa mga nakukuha kong achievements.

“Natutuwa ako, napa-flatter ako, malaking bagay siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero baka ‘pag pinasok ko na siya masyado sa kukote ko, e, mag-iba na ang takbo ni Angelica.

“Baka lumaki ang ulo ko na ‘di maganda yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelica sa presscon ng That Thing Called Tadhana kagabi, January 21, sa 9501 restaurant sa may ABS-CBN compound.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN