Vina Morales remains loyal Kapamilya despite offers from other networks

Vina Morales on rejecting offers from other networks: “Kasi hindi na naman yung katulad ng mga kabataan that they’re lead and all. I mean, there are a lot of soap operas na puwede kaming ipasok, and mga characters. But I’m really happy here sa Star Magic.”


Fifteen years na si Vina Morales sa bakuran ng Kapamilya network.

Nagsimula bilang teen star sa defunct youth-oriented show ng GMA Network na That’s Entertainment noong 1987, lumipat si Vina sa ABS-CBN noong 2000 kung saan nakapirma siya ng exclusive contract.

Ano ang sikreto at ganung katagal siya naging loyal sa ABS-CBN?

Saad ng actress-singer, “Siguro kaya nga naging tawag, e, Kapamilya is you have to be there for each other.

“When the time I needed them, they’re there for me.

“And even for Shaina.”

Si Shaina Magdayao ang nakababatang kapatid ni Vina na contract artist din ng ABS-CBN.

Patuloy niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ganun lang din, nagre-reciprocate din sila, at ganun din ako.

“Kaya siguro kami ni Shaina, nandidito pa rin hanggang ngayon.

“I always believe na iba pa rin yung meron kang masasandalan, na itinuturing mong kapamilya.

“And if you treat them as family, they will treat you as family as well.

“Yun ang naniniwala ako.”

OFFERS FROM OTHER NETWORKS. Aminado si Vina na may mga natatanggap siyang offers mula sa ibang TV networks, pero nananatili siyang loyal sa ABS-CBN.

“Kasi marami namang offer, honestly, sa ibang characters, networks.

“Pero wala, e, masaya kami dito, e.

“Kasi hindi na naman yung katulad ng mga kabataan that they’re lead and all.

“I mean, there are a lot of soap operas na puwede kaming ipasok, and mga characters.

“But I’m really happy here sa Star Magic.”

Recently lang ba ang mga offers na ito?

“Oo naman, oo naman, may mga ganun, hindi mawawala yun.”

Siya na ba mismo ang tumatanggi?

“Actually, they go through Star Magic pa rin, e, siyempre Kapamilya kami, ‘di ba?”

Bida si Vina sa ABS-CBN soap opera na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN