JC de Vera confirms dating LJ Reyes for months now

After having been romantically linked last year, JC de Vera reveals that he and LJ Reyes have been dating for a couple of months now.


“I love being around her,” pag-amin ng Kapamilya actor na si JC de Vera tungkol sa nali-link sa kanyang si LJ Reyes.

Kinumpirma rin ni JC na nagdi-date sila ng Kapuso actress “a couple of months na rin.”

Dagdag niya, “Pero hindi siya ganun ka-stable kasi nga because of work, yung time, nagkakaroon ng [conflict].”

Bago ang pag-amin ni JC sa panayam niya sa Aquino & Abunda Tonight, Huwebes ng gabi, January 22, dati nang lumabas ang isyung nagkakakamabutihan sila ni LJ, subalit walang kumpirmasyon mula sa magkabilang kampo.

Read: LJ Reyes insists JC de Vera never became her boyfriend; works with Star Cinema for the first time

Read: JC de Vera on alleged involvement in LJ Reyes-Paulo Avelino issue: “Ayoko patulan ang isyu.”

Pahayag pa ng aktor, “Ang mahalaga sa akin, okay siya sa family ko, okay ako sa family niya.

“'Tsaka mas nakikita ko yung totoo siya, parang nakikita ko kung pa'no siya [bilang tao]."

Kinumpirma rin ni JC na mayroon silang “clear, open communication” ni LJ.

Samantala, idinagdag naman ng host na si Boy Abunda na bago pa man ang interview kay JC ay tinawagan na niya si LJ upang magpasintabi.

Sabi ng veteran TV host, “She's very close to me because I cast LJ in one of the movies for Cinemalaya. Doon kami nagsimula ng pagiging magkaibigan.”

Ang tinutukoy ni Boy na Cinemalaya movie ay ang Intoy Syokoy Ng Kalye Marino noong 2012.

Inihayag din ni Boy ang panig ni LJ sa pagkaka-link nito kay JC.

“Dahil si LJ rin is very careful, she's very cautious to get into a relationship.

“She told me that it's not easy, pero hindi niya itinatatwa na she also enjoys your company,” sabi niya kay JC.

Sinabi rin daw ni LJ kay Boy na kung lalalim pa ang relasyon nila ni JC ay ipapaalam niya ito sa Kapamilya host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon daw kay LJ, “At this point, yes, I enjoy his company.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN