Juancho Triviño laughs off indecent offer: “Grabe yung value ko... kotse!”

Juancho Triviño is flattered by the attention he is getting from girls and gays. He says, "Positive for my career yun."


Certified Kapuso hunk ang six-footer na si Juancho Triviño kaya hindi malayong pagpantasyahan siya ng maraming girls and gays.

Ano ang nararamdaman niya sa ganoon?

“Hindi naman po ano sa akin, it’s flattering din, kasi tinitingnan nila ako in a…

"Well, pero positive for my career yun.”

May halong pagnanasa man o sekswal ang pagpapantasya sa kanya ng iba, pero hindi raw siya nababastos sa ganoon.

“It’s not a problem for me. It’s flattering for me,” sabi pa ng 21-year-old Kapuso talent.

NOT READY. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho sa launch ng mga bago at dating Boardwalk endorsers, na kinabibilangan din ng mga kapwa niya Kapuso na sina Janine Gutierrez, Rich Asuncion, Kim Rodriguez, Jeric Gonzales, Thea Tolentino, at Alden Richards.

Unang endorsement ni Juancho ang men’s clothing line ng brand na ito.

Payag naman daw siya kung sa intimate men’s apparel siya inilagay o kaya ay alukin siya na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash, pero paghahandaan daw muna niya iyon.

“Positive pressure iyon para sa akin.”

Kaya naman daw ni Juancho ang ginawa ni Mike Tan na daring pictorial para rin sa naturang brand kung saan naka-briefs lamang ito.

“Hindi naman po ako sensitive sa mga ganung bagay,” sabi niya.


DUBIOUS OFFER. Tinanong naman namin si Juancho kung nakatanggap na ba siya ng indecent proposals mula sa mga mayayamang bading.

“Well, may mga nagte-text nang ganun,” pag-amin niya.

Saan nakuha ang number niya?

“Kasi may mga friends po ako, yung sa Sta. Rosa [sa Laguna] before na meron silang mga friends na bading.

"Parang napag-uutusan na kunin yung number 'tapos may io-offer na parang raket, ganun.

“Kapag magraraket, kotse daw yung ibibigay, yung ganun.

“Nakatanggap na ako ng mga ganun.

“'Bibigyan kita ng kotse, punta ka lang, huwag na nating ipaalam sa GMA.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw sinabi kung para saan ang kotse at kung anong klaseng raket ang gagawin ni Juancho.

Ano ang isinasagot niya sa ganoong alok?

“Siyempre, hindi, idaan sa Artist Center na lang.

“Ibinigay ko po yung number ng GMA.”


NO REPLY. Talent ng GMA Artist Center si Juancho. Wala naman daw tumawag sa GMA para sa naturang raket.

“Iyon nga po ipinagtataka ko, e, kung clean yung intentions niya sa akin, dadaan sa GMA yun.

“Hindi na, hindi na clean yun, so hindi na ako nag-reply.”

May kotse naman daw siya. Pero kung wala?

“Paghihirapan ko na lang po siguro.

“Grabe yung value ko, ano, kotse!” at tumawa si Juancho.

Naiinis siya?

“Hindi naman po ako naiinis.

“Pero kailangang dumaan talaga sa tamang proseso.

"Kung may gusto silang ibigay talaga sa akin, kapalit nung services.”

Ano bang services ang nasa isip niya?

“Siyempre yung pagkanta ko, ganun, pagkanta.

“Kakantahan ko sila, bibigyan nila ako ng kotse!” tawa na naman niya.

“Hindi... pero yung offer nila sa akin, yung gagawin ko raw, event.

“So, kakanta ako.”

Paano kung bahay o condo na ang io-offer sa kanya?

“Hindi pa naman po dumarating yung offer na ganung kalaki sa akin.”

Kapag meron, mapaisip kaya siya?

“Siguro, hindi po,” sagot ni Juancho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN