Jeric Gonzales hopes to revive tandem with Thea Tolentino

A graduate of Nursing, Jeric Gonzales says he is focusing on his showbiz career and reviewing for the board exams. "Gusto ko lang talagang makuha yung license kasi for future purposes," he says.


Isa si Jeric Gonzales sa mga napiling image model para sa We Love It collection ng Boardwalk, kasama ang mga kapwa niya Kapuso talents na sina Alden Richards at Mike Tan.

Nag-audition daw si Jeric para makuha ang naturang endorsement.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasi marami rin kaming nag-audition dito, e. Nag-go see kami.

“Sobrang masaya kasi, 'ayun nga, nagpunta ako dun 'tapos ang dami nilang pina-try sa akin.

"Tiningnan talaga nila ako, 'tapos pinag-talent pa nila ako!

“So, iyon, kumanta ako, ginawa ko naman lahat.

“Kinantahan ko sila kaya, 'ayun... tingin ko, iyon yun.

“Nung time na yun, kadarating lang dito ng Boyz II Men, kaya ang kinanta ko, 'I’ll Make Love To You.'”


SELF-IMPROVMENT. Ano ang mayroon siya para makasabay kina Alden at Mike, na mas nauna sa kanya?

Tugon ni Jeric, “Siguro, inaalagaan ko rin talaga yung sarili ko.

"Ini-improve ko yung puwede pang i-improve sa akin, kaya siguro medyo napapansin na nila ako ngayon.

“Kaya din siguro nakuha ko ito.

"Ayun, alaga lang sa sarili.”

Si Mike ang endorser ng men’s intimate apparel kaya may pictorial ito na naka-briefs lang.

Papayag ba si Jeric na mag-pictorial nang naka-underwear lamang?

“Siguro po, hindi pa. Hindi pa.

“Siguro ano... kaya mga topless, mga ganun.”

Nakausap ng PEP.ph si Jeric sa Luxent Hotel noong January 13, sa launch ng mga bago at dating Boardwalk endorsers na kinabibilangan din nina Janine Gutierrez, Rich Asuncion, Kim Rodriguez, Juancho Triviño, at Thea Tolentino.


JERIC-THEA REVIVAL. Ikinatuwa ba ni Jeric na nakuha rin si Thea bilang endorser? Sabay nagsimula sa showbiz sina Jeric at Thea, bilang winners ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break, at naging magka-loveteam pa nga.

Tugon niya, “Oo. Nagulat nga ako nung magkasama kami sa pictorial kasi hindi nila sinasabi kung sino kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos nung nalaman ko na kami yung partner, parang madali na lang sa amin yung mga couple shirts, pictorial, e.

“Sayang naman kung ako lang, 'tapos sa babae, hindi siya kasama.

"Ever since naman, magkasama na kami, so magandang timing para ibalik yung ano…

"Kasi nawala, 'di ba, yung loveteam?

“So, parang dito, makikita nila na puwede pa rin kami na i-loveteam sa mga susunod [na projects].”


MIKOY MORALES. Pero sa panayam namin dati kay Mikoy Morales, na kasamahan din nila noon sa Protégé, ay umamin itong nanliligaw kay Thea.

Ayon pa kay Mikoy, alam iyon ni Jeric.

Wala naman daw kaso kay Jeric kung nanliligaw si Mikoy kay Thea.

Aniya, “Ayos lang, kasi good friends naman talaga sila since Protégé, close naman talaga sila.

"So, wala namang problema."

Hindi daw niya inisip o naramdaman na inagawan siya ni Mikoy.

“Hindi naman.”

Wala rin daw siyang galit o selos na naramdaman kay Mikoy.

“Wala, wala naman!” tawa niya.


SINGLE. Walang lovelife si Jeric, wala rin daw siyang nililigawan.

Paliwanag niya, “Focused sa career, sa ngayon wala munang time sa ganun.

“Pero kung may darating, bakit hindi?”

Among the Kapuso female stars, kung may choice siya, sino ang pipiliin niyang makapreha sa susunod niyang project?

“Gusto ko si Kris Bernal at saka si Bela Padilla.

“Magagaling na aktres and magaganda, siyempre.”


LICENSURE EXAM. Samantala, balak ni Jeric na mag-review ngayong taon bilang preparasyon niya sa Nursing board exams.

Graduate ng kursong Nursing si Jeric sa Calamba Doctor’s College sa Laguna bago siya nag-artista.

“Siguro magre-review ako 'til June, 'tapos mga July puwede na po akong mag-exam.”

Pero kahit pumasa raw siya ay hindi niya tatalikuran ang showbiz.

Sabi ni Jeric, “Ito pa rin yung career na ipe-pursue ko.

"Pero gusto ko lang talagang makuha yung license kasi for future purposes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN