JM de Guzman open to rekindling romance with Jessy Mendiola

“Siguro noon maraming complications, mga bata pa kami pareho. Pero ngayon, hindi naman sa pinaplano ko or ina-assume. Siguro yun ang naging kulang din sa amin dati. Hindi naging solid yung friendship," says JM de Guzman, who admitted that he often keeps in touch with ex-girlfriend Jessy Mendiola.


Inamin ni JM de Guzman na bukas siya sa posibilidad na manumbalik ang magandang pagtitinginan nila ng dating girlfriend na si Jessy Mendiola.

Ayon kay JM, nagtuluy-tuloy ang komunikasyon nila ni Jessy mula nang sorpresang dumalo ang aktres sa kanyang birthday noong September 2014.

Kung ano mang hinanakit ang naramdaman ni JM sanhi ng hiwalayan nila noon ni Jessy ay ibinaon na umano sa limot ng aktor.

“Actually, magkaibigan kami ngayon. Madalas kami mag-usap.

“Madalas kami tumambay with friends.

"Wala na po yun,” paniniguro pa ni JM.

Solong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JM pagkatapos ng presscon proper ng That Thing Called Tadhana sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound, noong January 21.

Matamis ang pagkakangiti ni JM nang tanungin tungkol sa panunumbalik ng pagkakaibigan nila ni Jessy.

First time na sinadyang dalawin ni Jessy si JM sa birthday ng aktor, at mula noon ay ilang beses nang nasundan ang kanilang pagkikita kasama ng kanilang common friends.

Tila nahihiya naman si JM na magdetalye tungkol sa mga napag-usapan nila ni Jessy.

Lalo pa't hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang tungkol sa kontrobersiyal na hiwalayan nila mahigit dalawang taon ang nakararaan.

Ngunit aminado si JM na naalala niya ang magandang pinagsamahan nila ni Jessy noon.

Tanong ng PEP: Friendship lang ba o posibleng mauwi sa love ang samahan nila ngayon ni Jessy?

Nangingiting sagot ni JM, “Hindi ko alam. Siguro puwede, puwedeng hindi.”

Bagamat tila medyo nahihiya si JM na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Jessy, sa huli ay sinabi ng aktor sa PEP na bukas siya sa posibilidad na magkabalikan sila.

“Oo naman!” mabilis na sagot niya nang tanungin ukol dito.

Dugtong pa ni JM, “Siguro noon, maraming complications, mga bata pa kami pareho.

“Pero ngayon, hindi naman sa pinaplano ko or ina-assume.

“Siguro yun ang naging kulang din sa amin dati. Hindi naging solid yung friendship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, walang foundation. Naging kami agad. Siguro dun.”

For the record, ano ang relationship status nila ni Jessy ngayon?

Napangiti ulit at saglit na nag-isip muna si JM bago siya sumagot ng: “Friends.”

Kung anu’t ano pa man, kumpiyansa si JM na hindi niya hahayaang maapektuhan ng personal life niya ang pagbabalik-sigla ng kanyang showbiz career ngayon.

Sabi niya, “Naniniwala po ako na yung nangyari sa akin lahat made me stronger.

"Yun naman dapat. You learn a lot."

Matatandaang noong August 2014 ay inamin ni JM sa kauna-unahang pagkakataon na ipinasok siya sa rehab sa loob ng sampung buwan dahil sa paggamit ng droga.

Ito ang dahilan kung bakit madalas madiskaril ang taping noon ni JM para sa Angelito: Ang Batang Ama at biglang pagkawala ng aktor sa sirkulasyon.

READ: JM De Guzman admits going to rehab for drug use

Sa ngayon, nakapokus si JM sa pag-improve ng kanyang sarili para handa siya sa kung anumang proyekto ang ibigay sa kanya.

Bukod sa That Thing Called Tadhana, nagkaroon ng partisipasyon si JM sa Hawak Kamay, ang ABS-CBN teleserye na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Iza Calzado noong nakaraang taon.

May plano na ba ang ABS-CBN na bigyan siya ulit ng sarili niyang teleserye?

Sagot ni JM, “Meron po pero under revisions pa yung script.

“Sa akin kasi, ayokong asahan, ayokong i-assume.

“Matuloy o hindi, aabangan ko yung next opportunity [at gusto ko] prepared ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN