BB Gandanghari not willing to sacrifice lovelife for her family

Bagamat tanggap na siya ng kanyang pamilya, sinabi ni BB Gandanghari na hindi pa bukas ang kanyang pamilya sa ideya na magkaroon na siya ng boyfriend. Aniya, “Parang feeling ko nga, yung bottomline, hindi pa rin nila gets ang pagkababae ko kasi ayaw pa nila akong magka-boyfriend.”


Ipinagmalaki ni BB Gandanghari na pinagpaguran niya ang kanyang magandang pigura ngayon.

Nang tanungin ang kanyang vital statistics, 34-25-34 raw ito.

Mahilig daw kasi siyang tumakbo at gumawa ng physical activities.

Tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano pang pagbabago ang gusto niyang gawin sa kanyang katawan.

Sagot ni BB, “Let’s just say I’m still in the process [of transforming physically].

"Feeling ko, I’m 75 percent sa transformation na gusto kong maganap."

Nakausap ng media si BB sa press conference ng upcoming comedy series ng TV5 na 2 ½ Daddies, na pinagbibidahan nila ng kanyang dalawang kapatid na sina Robin Padilla at Rommel Padilla.

Magsisimula ang programa ngayong Sabado, January 23, alas-otso ng gabi.


IDOLIZING AIZA SEGUERRA. Tanong pa ng PEP kay BB, ano ang pakiramdam niya na mas maraming miyembro ngayon ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community ang mas nakapagpapahayag ng kanilang sarili at sa pakikipagrelasyon, kagaya na lang ni Aiza Seguerra na ikinasal na kay Liza Diño?

Aniya, “Aiza is really an inspiration.

"Ang ganda ng kasal niya, ang ganda how she handled…

"Kasi hindi naman tomboy si Aiza, e, she’s a transgender man.

“Even yung girlfriend niya, 'di ba, when they finally announced they’re getting married, sinabi ng girlfriend niya na, ‘I feel happy and vindicated because nag-out nga si Aiza as transgender man, that only affirms that I’m a woman.’

"Yun ang tamang reason dun."

Dagdag ni BB, “Maski sa akin, 'pag sinasabi nilang, ‘Meron akong gay [friend], ipapakilala ko sa 'yo.’

"'Tapos laging sinasabi ko, ‘Naku, hindi gay ang magkakagusto sa akin kasi I consider myself a woman.’

"So, lalaki... I mean, straight, parang ganyan.

"Para may ma-attract sa akin, he has got to be straight, I think."

Sa transexuality.org, ang transgender ay “a term for people whose gender identity, expression or behavior is different from those typically associated with their assigned sex at birth.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, ang “transgender man” ay isinilang na babae subalit nabubuhay at naa-identify ang sarili na lalaki.

Kabaliktaran nito ang “transgender woman” na isinilang na lalaki subalit nabubuhay at naa-identify ang sarili bilang isang babae.


MEETING PEOPLE. “Well, I’m meeting people now, kasi ang tagal na [since my last relationship]," sagot ni BB nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife.

“Ang sabi nga nila, ‘By choice ba na wala kang boyfriend?’

"Oo, dahil sa proseso ko, ngayon pa lang ako nagiging kumportable sa sekswalidad ko.”

May mga potential partners ba siyang nakikilala?

Sagot ni BB, “Oo. It’s just a matter of finding the right one.

“Parang 'pag dumating ang tama, pero meron, meron talaga.”


LOVELIFE AND FAMILY. Pakiramdam daw ni BB, tanggap na tanggap na siya ng kanyang pamilya.

Maging sa kanyang lovelife din ba?

“Love? Hindi. Naku, ‘yan ang hindi pa,” nangingiti niyang sagot.

Paano niya tinatanggap ang sitwasyong ito?

“E, di [ang] sakit.

"Parang feeling ko nga, yung bottomline, hindi pa rin nila gets ang pagkababae ko, kasi ayaw pa nila akong magka-boyfriend.

“Pero parang dahan-dahan naman yata.

"Parang feeling ko, 'pag 'andiyan na, wala na silang magagawa."

Ganito raw ang nararamdaman ng mga kapatid niyang lalaki at babae.

“Yun lang ang malungkot, hindi ko talaga ma-open up sa kanila, kunwari may crush ako.

"Tao lang tayo, e, meron kang love, 'di ko nari-relay sa kanila.”"

Diretsang tinanong si BB kung kaya ba niyang isakripisyo ang kanyang buhay-pag-ibig para mapanatili ang kanyang magandang relasyon sa kanyang pamilya.

Natatawang sagot niya, “Hindi yata!

"Tapatan na ‘to. Hindi ako magpapaka-plastic.

“Alam mo, in the end, you need one partner. Parang sila din naman, may partners.

“Hindi naman pagtanda namin, kami-kami ang magkakasama, e."

Sabi pa ni BB, “Kasi nararamdaman ko, ako na lang ang single sa family namin.

“Kasi ang immediate family nila, hindi na kami, kundi ang mga anak nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun, para sagutin [ang tanong mo], parang hindi naman nila nasakripisyo ang love [life] nila para sa akin.

“In the end, gusto ko lang talaga magkaroon ng kasama, kasi I’ve been single for 17 years.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN