Ruffa Gutierrez prioritizes career over lovelife: “My priority this year is to make money.”

Ruffa Gutierrez is happy to report that her mom Annabelle Rama and her boyfriend Jordan Mouyal are now okay. “I think my mom has appreciated that hindi naman nakikialam si Jordan sa career ko, sa mga gawain ko, and he takes care of my kids,” she says.


Bagamat madalas na ang pag-post ng larawan ni Ruffa Gutierrez at ng boyfriend niyang si Jordan Mouyal sa kani-kanilang Instagram accounts, nananatiling tikom ang actress-TV host tungkol sa kanilang relasyon.

Sabi ni Ruffa, “I'm not so showy naman on Instagram and I'm not really naman makuwento.

“I really want to keep my lovelife private, but I don't want to hide it also.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Ruffa sa launch ng bagong Cosmo Skin product na kanyang iniendorso, Biyernes ng tanghali, January 23, sa Luxent Hotel.

Nitong nakaraan lamang ay nag-post si Ruffa ng larawan nila ng kanyang non-showbiz boyfriend bilang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.

Sa ngayon daw ay nasasanay na si Jordan sa buhay ni Ruffa bilang isang celebrity.

“I think he's more open now.

“Kasi siyempre, in the beginning, yung mga non-showbiz naman, natatakot sa world mo.

“But once they see na it's comfortable naman, nasasanay naman, 'di ba?

“Lahat ng mga boyfriend na non-showbiz ng mga artista, ang dami na rin nilang followers, ha.

“Nasasanay na ang mga non-showbiz, you have to train lang.”


NOT HER PRIORITY. Nakikita na ba niyang si Jordan ang makakatuluyan niya hanggang sa huli?

Sagot ni Ruffa, “Hindi ko pa alam. Hindi ko masasabing siya na.

"Only God knows and only time will tell.”

Nabanggit din ng dating beauty queen na bagamat naisasapubliko na niya ang relasyon nila ni Jordan, hindi raw ito ang pinakauna sa kanyang mga prayoridad ngayon.

Paliwanag ni Ruffa, “I think, in this day and this day in my life, hindi na talaga uso ngayon yung love na talagang mag-e-elope ka or you're gonna get married.

“I don't see myself getting married yet.

“Maybe, I don't know, but it's not my priority.

“My priority this year is to make money.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have to be happy and secure my children's future."


OKAY WITH ANNABELLE. Nabanggit ni Ruffa na naipakilala na niya sa kanyang mga anak si Jordan.

“Well, they treat them as my friend.

"It's the first time I introduced anyone to my kids.

"Feeling ko naman, it's time,” sabi niya.

Ganito na rin ba ang trato ng kanyang inang si Annabelle Rama kay Jordan?

Matatandaang nagkaroon pa ng sagutan ang mag-ina noong October 2014 tungkol sa pagkakaroon ng bagong boyfriend ni Ruffa.

Read: Ruffa Gutierrez and mom Annabelle Rama engage in another Twitter spat

Iba na raw ngayon, ayon kay Ruffa.

“Alam mo si Mommy, kailangan lang talagang i-train siya.

“Mommy, ito ang gusto mo, ito ang nangyayari.

“But I think, she has come to accept the fact na, wala, nandiyan lang siya.”

Katuwiran pa ng unica hija ni Annabelle, “At saka hindi naman siya [Jordan] nakakaistorbo sa buhay ko.

“With me naman kasi, if it's work, it's work.

“I'm not like those celebrities who make bitbit their boyfriends anywhere, unless it's an event or it's a social gathering.

“If it's work, it's work. And I don't let my lovelife affect my work.

“I think my mom has appreciated that hindi naman nakikialam si Jordan sa career ko, sa mga gawain ko, and he takes care of my kids."

Pero diin ni Ruffa, “Right now, even he's there in my life, he's just an inspiration, he's not my priority.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN