Saab Magalona and Jim Baccarro wedding to be held in Baguio City today, January 24

Isa ito sa mga prenup photos, na may temang Forever Young: The Rebellious Brides, nina Saab Magalona at Jim Bacarro.


BAGUIO CITY. Ngayong Sabado, January 24, bandang 2:30 p.m. ang kasal ni Maria Isabella Simone "Saab" Magalona sa kanyang musician fiancé na si Jeremiah "Jim" Bacarro sa isang simbahan dito sa Baguio.

Noong March 2014 nag-propose kay Saab si Jim nang magbakasyon ang pamilya Magalona sa Japan.

Nagulat na lang ang 26-anyos na Kapuso actress nang biglang lumuhod sa harapan niya ang kanyang 27-anyos na nobyo sa isang public place sa Tokyo at bigyan siya ng singsing.

Magkasama sina Saab at Jim sa indie rock band na Cheats. Si Jim ang guitarist, keyboardist ,at vocalist ng kanilang banda. Si Saab ay vocalist din.

More than three years na ang relasyon ng dalawa, pero mga ten years na silang magkakilala.

Ang cute ng wedding invite ng dalawa, para itong libro na may title na Jim & Saab Save the World, at illustration na naka-superhero costumes silang dalawa.

Yung note sa loob ay parang isang library card. Sa likod ay may mapa ng chapel na pagkakasalan sa kanila at ng reception venue na 20-minute drive mula sa simbahan.

Maid of Honor ang elder sister ni Saab na si Maxene Sofia Magalona.

Kabilang sa siyam na bridesmaids ang magkapatid na Megan and Lauren Young na close friends ni Saab, at ang bunsong anak nina Francis M. at Pia Arroyo-Magalona na si Clara Santita.

Kasama sa sampung groomsmen ang brothers ni Saab na sina Francis Michael Jr., Elmo Moses, at Arkin Luciano Magalona.

Ang taga-showbiz lang sa anim na ninong ay si Beethoven Bunagan, a.k.a. Michael V., at sa ninang, Malou Choa-Fagar ng Eat Bulaga.

Ang gumawa ng wedding dress ni Saab ay si Sassa Jimenez, na dati niyang blockmate sa Ateneo bago ito umalis to study fashion sa U.S.

Nine years ago, sinabihan ni Saab si Sassa na magiging kilalang fashion designer ito at si Sassa ang gusto niyang gumawa ng wedding dress niya kapag siya ay nagpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Eric delos Santos ang tumahi ng dresses ng bridesmaids. Ang suit ni Jim ay gawa ni Ziggy Savella.

Mas matanda kay Saab sina Maxene, 28, at Frank, 27, pero mas mauuna siyang mag-asawa sa dalawa.

Bale ito ang second showbiz wedding ngayong 2015 after nina Aiza Seguerra at Liza Diño na ginanap noong January 8 sa Batangas.

Ang cool ng prenup photo shoot nina Saab & Jim na may temang Forever Young: The Rebellious Brides.

Ang nasabing concept photography ay gawa ng MangoRed.

Samantala, in a previous PEP interview ay nabanggit ni Saab na simpleng wedding lang ang gusto nila ni Jim, at pawang mga malalapit lang sa kanila ang imbitado bukod sa kanilang pamilya.

"Simple and intimate" ang description niya sa kanilang Baguio wedding at hindi raw talaga ito bongga.

Pareho nilang hindi type ang magarbong kasal. Mas type nilang gamitin ang pera nila sa kanilang buhay mag-asawa.

Katuwiran ni Saab, “It’s not about the wedding, it’s about the marriage.”

Ang sabi ni Saab nang makausap siya ng PEP dito sa Baguio, kaya ang City of Pines at Summer Capital of the Philippines ang napili niyang pagdausan ng kanyang kasal, “because I wanted it to be nice and cool, literally and figuratively. Hehehe!”

Dugtong niya pa, “I also have great memories with my late dad [Francis Magalona] here in Baguio, especially because it was always the place we went to for family vacations.”

Ang honeymoon nina Saab at Jim right after the wedding ay sa Kyoto, Japan.

Ang nasabing trip ay wedding gift from their principal sponsors, Mr. Adolfo Escalona and his wife Gina, na parents ng isa sa best friends ni Jim na si Ryan Michael Escalona.

Pupunta rin ang newlyweds sa Europe some time in September.

Si Saab ay contract star ng GMA at nakilala siya bilang isang kontrabida. Ilan sa mga nagawa niyang Kapuso shows ay Captain Barbell, My Beloved, Forever at Adarna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kilala rin siya bilang isang blogger (www.spellsaab.com).

Mula sa PEP, congrats and best wishes, Jim and Saab!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN