PEP EXCLUSIVE. Marian Rivera hopes her "dream wedding" will inspire, not breed envy

Marian Rivera on her grand wedding: “Siguro, gawin na lang nating inspirasyon. Pangit yung term na inggit at kailangang matalbugan. Siguro, gamitin na lang nating term yung inspirasyon.”

Photo taken at the Ponte Vecchio, an arch bridge over the Arno River, in Florence, Italy,


Tila mas gumanda pa ang bagong kasal na si Marian Rivera nang makita at makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, January 23, sa Victorino’s Restaurant, sa Quezon City.

Katatapos lang ng honeymoon nila ng mister niyang si Dingdong Dantes sa Rome, Italy, at Spain.

Dahil new year, “new look” din si Marian sa mas pinaikling buhok na may bangs.

Bakas pa rin sa mga ngiti ni Mrs. Marian Gracia-Dantes ang kaligayahang naramdaman niya noong mismong araw ng kasal, habang lumalakad siya sa altar ng Cathedral of Immaculate Conception.

Nakangiting kuwento ng aktres, “After ng wedding namin, napanood namin yung video namin, parang nandoon pa rin ako sa, 'Wow, ang saya!'

"Talagang nasabi ko talaga, dream come true talaga.”

Parang ang daming naiinggit sa kanya ngayon dahil sa engrandeng kasal nila.

Tanggi naman agad ni Marian, “Hindi naman, hindi naman siguro.

“Siguro, gawin na lang nating inspirasyon.

"Pangit yung term na inggit at kailangang matalbugan.

"Siguro gamitin na lang nating term yung inspirasyon.”


LONG-OVERDUE FAMILY REUNION. Biniro naman namin si Marian: Ano ang mas masarap—yung kasal o honeymoon?

“Parehas!” mabilis niyang sagot.

“Parehas kasi parehong nakaka-excite.

“Ang sarap din nitong honeymoon, kasi yung ending namin sa Spain, kasama ko ang mga kapatid ko, kasama namin si Papa, mga pinsan ko, mga kamag-anak ko.”

Yung iba nga raw sa mga kamag-anak niya, noon lang nakilala ni Dingdong.

“Yes, at kahit ako, yung iba dun, after 28 years, ngayon ko lang nakita.

“Na parang tinupad talaga ni Papa ang pangako niyang uuwi siya, na ihahatid niya 'ko, at pagpunta ko ng Spain, magga-gathering kami ng family ko dun.

"Tinupad niyang lahat yun."

DREAM COME TRUE.” Kung babalikan natin yung mismong araw ng kasal nila ni Dingdong noong December 30 sa Cathedral of Immaculate Conception hanggang sa reception nila sa MOA Arena, masasabi ba niyang yun na ang perfect wedding na pinangarap niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, siyempre, sabi nga nila, wala namang perfect.

"Pero para sa akin, yun talaga ang masasabi kong dream come true talaga siya.

“Na ibinigay talaga ng asawa ko ang lahat ng puwede niyang ibigay sa akin,” saad ni Marian.

Ilan sa mga komentaryo, sa mga nasusulat, tinagurian siyang “Most Beautiful Bride.”

Nakangiting reaksiyon ng Kapuso Primetime Queen, “Lahat naman ng brides, maganda, ‘di ba?

“Ang saya-saya ko noong araw na yun. Siguro, hindi ko nga ini-expect na hindi ako ngangalngal.

“Naiiyak ako, pero sabi ko nga kay Dong, yung nararamdaman ko noong araw na yun sa loob ko, ang saya-saya ko. Hindi ko makayang ngumalngal.

"Noong patapos na, noong sinabi nang 'You may kiss the bride,' doon ako, 'Ay, 'eto na yun!'"


TOUCHED BY DAD'S MESSAGE. Ano ang naging pahayag ng papa niya, lalo na tungkol sa mister na niya ngayong si Dingdong?

Saad ni Marian, “Masaya siya.

“Noong pag-uwi namin, doon ko lang napanood yung video at doon ko lang nakita yung message niya sa amin ni Dong, na sobrang nakaka-touch din si Papa na hiningi ni Dong yung kamay ko sa kanya.

“Nakakatuwa nga, lahat, e, masaya.”


HONEYMOON HIGHLIGHTS. Ibinahagi naman nila ni Dingdong sa kanilang Instagram accounts ang ilan sa mga napuntahan nilang lugar during their honeymoon.

Pero biniro namin si Marian kung mayroon pa ba siyang gustong ikuwento.

“Yung honeymoon? Dad?” natatawang biro at tanong niya kay Dingdong na nasa tabi lang niya noong kausap namin siya.

Pero pagpapatuloy niya, “Masaya!

“Ang dami pa rin kasi naming napuntahang lugar na hindi pa namin napupuntahan.

"At saka, kain kami nang kain, grabe. Pero siyempre, ang pinaka-highlight din dun e nakita namin si Pope [Francis].

“Na nandoon kami sa Vatican, nakipagsiksikan kami, pumila kami.

"Ang sarap din ng pakiramdam na na-bless kami."

Dahil siya'y isa nang ganap na misis, may nabago na ba sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawang sabi ni Marian, “Nagpagupit, yun lang!

“Kapag nagka-baby siguro.

"Ngayon naman, wala pa naman. Simula pa lang."

Marami na ang nag-aabang kung may nabuo na sa naging honeymoon nila ni Dingdong.

Sabi naman ni Marian, “Siyempre, kung kailan ipagkakaloob ng Panginoon, ganoon naman yun. Hindi naman natin masasabi kung kailan talaga ibibigay.”


NEW TV SHOW. Natapos ang pinaka aabangang kasalan nila noong isang taon, natapos na rin ang honeymoon.

Balik sa normal na ba ang lahat sa kanya ngayon?

Sagot ni Marian, “Oo, back to reality.

“Kanya-kanyang trabaho ulit, soap ulit.”

Yun din naman ang nabalita at nasulat bago sila ikinasal. Na sa pagbabalik niya bilang Mrs. Dantes, may naghihintay nang bagong primetime series.

Kumusta ito?

“Well, may na-present na silang story, na-polish na rin. Okey na ang director.

“Yun lang, looking forward lang ako ulit magtrabaho.

"Siyempre, kapag may trabaho ka, ibig sabihin, makakaipon ka ulit, makakagala ka ulit!”


EAT BULAGA! COMEBACK. Ngayong araw na ito, ang masasabing opisyal na unang trabahong binalikan ni Marian ay ang segment niya sa Eat Bulaga! na “Juan For All” kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Sabi ni Marian, “Hanggang wala muna 'kong soap, hanggang hindi pa 'ko nagsisimula sa bagong soap, mapapanood nila ako sa 'Juan For All.'

“Siyempre, excited akong mag-Eat Bulaga! kasi isa ‘yan sa ipinagpapasalamat ko na last year, na-experience ko.

“Sabi ko rin, nangako rin naman ako na pagbalik na pagbalik ko, mag-i-Eat Bulaga! talaga ako.”


NEW LOOK. Yung bago niyang hairdo, para saan yun?

Sabi ni Marian, “Wala lang, for a change.

“Wala lang, gusto ko lang magpagupit. Matagal ko nang gustong magpagupit.

"Pero siyempre, kapag wedding, kailangan mahaba ang buhok.

"E, hanggang bewang na ang buhok ko halos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN