John Lloyd Cruz feels the pressure to propose marriage to Angelica Panganiban: “I am not getting any younger."

During the contract-signing between John Lloyd Cruz and ABS-CBN on January 22, 2015, reporters asked the Kapamilya actor about possible marriage plans with long-time girlfriend Angelica Panganiban. His enigmatic reply: “Alam mo, baliw kaming pareho, kanya-kanya kami. Sino ba naman ang hindi gustong lumagay sa tahimik? Pero kung ang paglagay sa tahimik ay ihahalintulad mo sa kasal agad, maraming paraan para lumagay sa tahimik."


Nagsalita na si Angelica Panganiban kung paano niya gustong mag-propose si John Lloyd Cruz, ang kasintahan niya simula noong 2012.

“Basta sinasabi ko sa kanya, na kapag siya nag-propose, ayoko ng maraming tao," ito ang sinabi ni Angelica, ayon sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 22, 2015.

Read: Angelica Panganiban: "Ako pala yung mapapangasawa ni John Lloyd Cruz! Wow, clinaim!”

Sa pag-renew ni John Lloyd ng three-year exclusive contract niya sa ABS-CBN noong Huwebes din, January 22, nagsalita ang aktor tungkol sa posibleng pagpapakasal nila ni Angelica.

Pahayag niya sa The Buzz, “Alam mo, baliw kaming pareho, kanya-kanya kami.

"Sino ba naman ang hindi gustong lumagay sa tahimik?

"Pero kung ang paglagay sa tahimik ay ihahalintulad mo sa kasal agad, maraming paraan para lumagay sa tahimik," sagot ni John Lloyd sa mga humihingi ng kanyang reaksiyon sa pahayag ni Angelica.

Dagdag ng Kapamilya actor, "And at this point, kakapirma lang natin, 'di ba?

"I would like to show my [ABS-CBN] bosses na nasa top priority natin ang trabaho.

"At gusto natin ma-achieve yung content ng kontrata, maka-deliver tayo sa pinirmahan natin, sa commitment natin sa network.

“Like I said, bibihira na yung kagaya ko na medyo matagal na sa industriya.

"Bibihira na yung mabigyan ng ganitong klaseng tiwala from the network.

"I guess, ang kasunod nun, you have to prioritize kung ano yung opportunity na ibinibigay sa 'yo.

"Actually, hindi na ito opportunity, tiwala na ito, I guess.

"Kaya mas mahalaga na ma-achieve ko muna yun, in terms of the content of the contract."

Inamin ni John Lloyd na siya mismo ay nakakaramdam na ng pressure na mag-propose kay Angelica.

“Siyempre, maging sa sarili ko, nape-pressure ako.

"I am not getting any younger; I am 31.

"And this year, I am turning 32, and JL is not getting any younger. That is the headline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Imposible naman na hindi ko maramdaman yung pressure, pero it’s good to know your priorities.

"And, sabi nga nila, 'buti lalaki ka kasi mas madali raw sa lalaki, mas madali raw sa amin."

Naging mailap naman si John Lloyd nang tanungin kung handa na ba siyang mag-asawa at magkapamilya.

Sabi niya, “Napakapersonal naman ng question mo.”

Nang tanungin kung matagal pa bago siya mag-propose sa kanyang kasintahan, ang sagot niya: “That is a more personal question.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN