Bret Jackson on Andi Eigenmann: "Her happiness is mine."

Mas pinili ni Bret Jackson na huwag nang magkomento sa pagkakaayos ni Andi Eigenmann at ex-boyfriend nitong si Jake Ejercito dahil masyado na raw itong personal.


Apektado nga ba si Bret Jackson sa muling pagkakaayos nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito, at ang pagpunta ng dalawang dating magkasintahan sa Singapore?

Read: Andi Eigenmann back on good terms with Jake Ejercito

Malaman kasi ang naging tweet ng binata, na hayagang nanliligaw kay Andi, nitong nakaraang Lunes, January 26.

Mensahe pa ni Bret sa kanyang followers sa Twitter: "People mad like I was keeping them apart. I was just kissin the scrapes on her knees and telling her she would be ok. Her happiness is mine."

Ito ay kasunod ng tweet ni Andi na nagkaayos na sila muli ni Jake.

Sabi ng Kapamilya actress: "4 yrs isnt a joke. There's no harm in being human enough to not throw it all away and learn to be friends. #letitrainchillpills"

Kinontak ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bret sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram ngayong araw, January 27, upang hingan siya ng pahayag tungkol sa tila pagbabalikan nina Andi at Jake.

Ngunit ayaw raw muna niyang magkomento tungkol sa pagkakaayos ng dalawa.

Masyado na raw kasing personal ito.

Pero sa iba pang mga tweet ni Bret, sinabi niya ang mga ganitong salita: "Cheater Cheater Pumpkin Eater" at " Liar Liar Pants On Fire."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN