Ken Chan wishes for fast recovery of Kuya Germs

Kapuso talent Ken Chan believes Kuya Germs would wish his show to continue despite his present health condition. “Kahit hindi niya i-request, ipinagdarasal ni Kuya Germs kasi mahal na mahal niya yung show, lalo na yung mga bata sa Walang Tulugan,” says Ken.


Bukod sa personal na intensiyon, hinihiling din daw ni Ken Chan ang patuloy na pagbuti ng kalagayan ng kanyang tatay-tatayan sa showbiz—si German “Kuya Germs” Moreno.

“Sana patuloy na gumaling si Tatay, si Kuya Germs,” sabi ni Ken nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News sa birthday charity event na inihanda ng GMA Artist Center para sa kanya at iba pang fellow Kapuso stars, noong Sabado, January 24.

Matatandaang isinugod si Kuya Germs sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City dahil sa mild stroke.

Ayon kay Ken, nakalabas na ng ospital si Kuya Germs ngunit hindi pa rin makakabalik agad sa trabaho dahil kailangan pa niyang sumailalim sa physical therapy.

Sabi ng binatang Kapuso actor, “Hindi pa siya puwedeng magtrabaho kasi kailangan muna siyang magpahinga para makabalik na agad siya sa trabaho.

“Ngayon, nagagalaw na niya ang ibang parts na hindi niya nagagalaw dati.

"Pero ngayon, nagte-therapy siya araw-araw.”


THE SHOW MUST GO ON. Sa kabila ng pangyayari, inakala raw ni Ken at ng iba pang staff ng programa ni Kuya Germs na Walang Tulugan With The Master Showman na mawawala na sa ere ang late-night weekend variety show.

Kuwento ni Ken, “Noong una nga, sabi namin, hala, baka mawala na ang Walang Tulugan kasi, siyempre, ang puno't dulo nun, si Tatay.

“Si Kuya Germs ang parang poste namin, 'di ba?

"So, akala talaga namin mawawala na ang Walang Tulugan.

“Pero mas nalaman namin na tuloy pa rin, the show must go on, mas natuwa kami.

“At saka sinabi sa amin ng staff, sa kabila ng pinagdaanan ni Tatay, ang iniisip pa rin niya is kami raw."

Naniniwala rin daw sila na, “Kahit hindi niya i-request, ipinagdarasal ni Kuya Germs, kasi mahal na mahal niya yung show, lalo na yung mga bata sa Walang Tulugan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, nagpapasalamat ang mga talent at staff ng Walang Tulugan dahil handang humalili pansamantala ang mga naging talent ni Kuya Germs sa That's Entertainment.

Sabi ni Ken, “Nakakatuwa kasi maraming naggi-give love talaga para kay Kuya Germs.

“So, nag-guest po sa amin sina Kuya Janno Gibbs at Ate Sheryl Cruz.

“Sila yung mga anak-anakan ni Kuya Germs na nag-volunteer para maging guest co-host namin.”

Sa mga susunod na episodes ng Walang Tulugan, asahan pa rin daw ang guest hosts nila hanggang hindi pa nakakabalik si Kuya Germs.

“Marami pa kaming guest co-hosts na galing sa That's Entertainment,” sabi ni Ken.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN