Maxene Magalona remains civil with ex-boyfriend Chino Copuyoc; enjoys being single

“Wala pa, e. My career is my boyfriend,” sagot ni Maxene Magalona nang tanungin kung may bago na siyang boyfriend pagkatapos ng relasyon nila ng dating kasintahang si Chino Copuyoc.


Nagkita sa wedding nina Saab Magalona at Jim Bacarro sa Baguio City noong Sabado, January 24, si Maxene Magalona at ang kanyang ex-boyfriend na si Chino Copuyoc.

Maxene was the maid of honor of her sister Saab, while Chino was one of the groomsmen dahil kaibigan nito si Jim.

Sina Jim at Saab ang nagpakilala kay Chino kay Maxene.

In fact, kasama pa si Chino sa Japan trip ng Magalona family last March 2013 kung saan naganap ang proposal ni Jim kay Saab.

At that time ay sina Maxene at Chino pa.

Jim and Saab are married now, but Max and Chino are no longer together.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene kung kumusta sila ng dati niyang nobyo, ang sagot ng Kapuso-turned-Kapamilya star ay okey silang dalawa.

Nagha-‘Hi! Hello!’ naman daw sila ‘pag nagkikita.

Sabi pa ni Maxene, may bagong girlfriend na si Chino. Pero hindi kasama ni Chino sa wedding ang bagong kasintahan nito.

Si Maxene, may bago na rin ba?

“Wala pa, e. My career is my boyfriend,” nakangiting sagot ng isa sa stars ng Kapamilya teleserye na Dream Dad.

Nangangarap din ba siyang ikasal na kagaya ng kapatid niyang si Saab?

“Yes. Pero sabi ko nga, sila ni Jim ang love superheroes ko, e.

“Kung hindi ako makakahanap ng katulad nung sa kanilang dalawa, I’m not gonna settle,” sambit ni Maxene, who seems to be enjoying her being single and loveless.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN